… KAI’S POV … Hindi ko alam pero feeling ko ay pinagpala ako ng Diyos nang tawagin ni Noy Henry si Juke. Iyon ang naging dahilan para maghiwalay ang awkward na tinginan namin. “Saglit, Noy, CR lang ako,” sabi ni Juke at nilampasan na niya ako. Kaya naman pala nalingunan ko siya dahil papunta siya sa comfort room. Napakagat labi ako. Hindi na lang ako nahihiya sa sarili ko kundi naiinis na rin ako dahil nagpapaapekto sa Juke Rivas na iyon. Kanina pa, eh. At kung paano lumipas ang oras na wala akong imik ay hindi ko na alam. Basta nagkunwari na lang ako na pinapanood ko ang dagat. Kapag kinakausap lang ako ni Noy Henry ay saka lang ako umiimik. Ganundin naman si Juke, nanatiling tahimik din. Gaya-gayang depungal. Gayunman ay pinagpasalamat ko iyon. Hindi nagtagal ay dumaong ang yateng