… KAI’s POV … Dumilat ako mula sa malalim na pag-iisip. Inisip ko kung paano ako makakakuha ng ebidensya sa ibinunyag sa akin ni Niel na baho ni Miss Sophia, at hindi naman ako binigo ng aking utak dahil alam ko na ang gagawin ko. “Kailangan kong makuhanan sila ng picture mismo doon sa condo na magpapatunay na may relasyon nga sila. Iyong malinaw. Iyong nagki-kiss sila dapat at hindi lang magkaakbay. At magagawa ko iyon kapag aabangan ko sila mismo doon sa condo ni Sir Philip,” kako sa isip. Pagkuwa’y napangisi ako ng malademonyo. Humanda sa akin ang Sophia Roxas na iyon. Akala mo kung sinong matinong asawa, hindi rin naman pala. Ang kapal ng mukha niyang gawin lahat ng iyon sa akin gayong parehas lang naman pala kami. Naningkit ang mga mata ko na animo’y nasa harapan ko si Sophia. U