... JUKE’s POV … “What did you do? Ang sakit sa tainga ‘yon, ah!” reklamo sa akin ni Janna nang muli ko siyang tawagan. “Sorry,” paghingi ko ng paumanhin. “Aaah!” Patuloy ang paghalinghing ni Kai sa tabi ko. Hindi ko alam kung gawa lamang ng pag-iinit niya dahil sa epekto ng bawal na gamot na ipinainom sa kanya o dahil nahihirapan na talaga siyang huminga. “You have to decide right away, Juke, before it’s too late,” narinig ko rin na madiing sabi ni Janna sa kabilang linya. Siguro ay naririnig niya ang mga halinghing ni Kai. “But isn’t this a case of exploitation? Wala siya sa matinong pag-iisip? What if she hates me even more?” naguguluhan pa rin na sabi ko. Mas masakit sa ulo ito. Dammit. “But she's in a situation of life and death. Alangang hayaan mo lang siya na mamatay riyan ku