... JUKE’s POV … Nang tapunan ako ng tingin ni Sophia ay kulang na lang ay mag-apoy na ako dahil talaga namang naglalagablab ang kanyang mga mata. Abot hanggang impyerno na talaga ang galit niya para sa amin ni Kai. “Huwag na huwag lang kaming magsasalabong ng kabit mong iyon dahil babalatan ko talaga siya ng buhay! I swear!” “Kahit sinong tao ay maiisip na lumaban na kapag pamilya na nila ang nasasaktan. Lumagpas ka rin sa boundaries mo. Alam mo bang lalayo na siya dapat? Alam mo bang tatahimik na siya dapat? But what did you do? Sinagad mo rin siya. Sinagad din natin siya, Sophia.” “At mas lalong sinagad niya ako ngayon!” pangangatwiran pa rin niya. “I will show her what a legal wife can do!” Napapikit ako at napahilamos sa aking mukha. “Tama na puwede ba?!” “Ikaw ang tama na! Dah