SPECIAL CHAPTER ONE MAG-isang nakaupo ang dalagang si Jucia sa bench ng gymnasium habang mahinang humihikbi, lumiban siya sa huling klase niya sa araw na iyon dahil sa natanggap niyang text message mula sa ina. Nanghihina siyang tumakbo rito dahil hindi niya alam ang gagawin, gulong-gulo siya sa mga nangyayari at kinakabahan siya para sa kalagayan ng ama. Ayon sa text na kanyang natanggap ay nasa ospital ang kanyang ama at agaw buhay ito na inatake sa puso, kailangan daw nitong maoperahan sa lalong madaling panahon upang hindi na lumala pa ang kalagayan nito. Saan naman sila kukuha ng malaking pera upang ipangpaopera rito? Hindi niya alam at wala siyang ideya kung saan, kahit siguro na magtrabaho siya nang buong araw ay hindi siya kikita ng ganoong halaga. Huling taon niya na sa kolehiy