Hindi mapigilan ni Zoe ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kaniyang mag-aama na masayang naglalaro sa loob ng playhouse. Si Ethan ang nag-volunteer na sumama at makipaglaro kina Nathaniel at Baby Mariel. Samantalang si Zoe naman ay nasa labas lang at taga-picture ng mga ito. Aliw na aliw siyang makita ang asawa na tila bumalik sa pagkabata habang nakikipaglaro sa kanilang mga anak. "Mommy, look, o! Natabunan ng balls si Daddy!" tuwang-tuwa na tawag sa kaniya ni Nathaniel. Panay ang buhos nito ng mga malilit na bola sa katawan ng ama na nakahiga. At ganoon din si Baby Mariel na aliw na aliw. Walang kapaguran nitong pinupulot ang mga bola at nakikisabay sa kuya. Ang lutong ng tawa ng dalawa sa tuwing natatabunan si Ethan. Mayamaya ay nag-slides naman si Nathaniel na inalalayan ng ama