"UUWI na muna kami ng Tayabas, ha? Babalik na lang kami sa Sabado. Okay lang ba sa'yo?" wika ni Mystica nang makapagpahinga na ang mga ito. "Oo naman. Nahihiya na nga ako sa inyo kasi sobra-sobra na ang abala ko, eh." Malungkot na tinapunan ng tingin ni Zoe ang nakapinid na pinto ng kuwarto ng asawa, kung saan ito nagpapahinga ngayon. Si Lala naman ay hindi pa bumabalik simula kanina. "Sana nga gumaling na si Ethan para makabalik na kami sa mga anak namin. At may makatulong na ako sa paghahanap kay Daniel at Justin." "Don't worry. Hindi rin naman kami titigil sa paghahanap sa kanila," sabi naman ni Brylle. "Magdadagdag ako ng mga kasamahan ko na puwedeng tumulong." "Kami rin ni Patricia. Tutulong din kami," saad din ni Calix. Ngumiti si Zoe sa kabila ng pait na nakasilip sa mga mata ni