"SAAN ho ba talaga pumunta si Ethan, Mang Pido? Ano ho ang sabi niya sa inyo?" paulit-paulit na tanong ni Zoe. Simula pa lang kanina nang umalis sila sa mall ay iyon na ang tanong niya sa driver. "Pasensiya na ho kayo, Ma'am Zoe. Dahil hindi ko rin alam. Basta ho tinawagan lang ako ni Sir Ethan. Ang sabi niya sa'kin ay sunduin ko nga raw po kayo sa mall," paliwanag ni Mang Pido, pang-ilang beses na rin. Napasimangot na lang si Zoe at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nagtatampo na siya kay Ethan. Iniwan na nga lang siya bigla sa mall tapos hindi pa makontak. Gaano ba ka-emergency ang pinuntahan niya para mag-off ng cellphone? Ngayon pa talaga kung kailan may maganda akong surprise. Naiinis na ipinikit na lang ni Zoe ang mga mata. Gustong-gusto na niyang makauwi da