BAKIT nga ba magaling mag-salita ng english ang mga rouges? It's because, mga gala sila at kung saan-saang lugar nakararating. They need to learn different languages para sa kaligtasan nila. Survival instinct. Ngayon, anong ipinaglalaban ko? Hehe, nagpapaliwanag lang po, mga mahal. Dedicated to: All my followers. •••••••••••••••••••••••••••••••••••••• ROUGE'S CAMP... -Luca's Pov- Kailangan ko nang kumilos. Mukhang napapasarap ang Tunay na Pinuno sa lungga ng Alpha Female na si Alva Kenta. Hindi man nito batid sa sarili, ngunit sa tuwing babanggitin nito ang pangalan ng anak ni Misha Kenta habang kausap ko ito kahapon, nakikita ko na kung saan pupunta ang pananatili nito sa teritoryong iyon. Nagsindi ako ng isang tabako. Buhat sa pagkakaupo sa isang sulok ng malawak na kuweba