1:00AM Saksi ang dalawa kong mga mata kung paano wasakin ng isang cannon ball ang Main Packhouse ng BloodyPaws. Bukod sa naroon ang aming mga inosenteng packmembers ay naroon din ang dalawa kong pups. My angels na pinaghirapan iluwal ng mortal kong katawan! Ang mga bunga ng aming pagmamahalan ng aking Babe! Nasapo ko ang aking bibig at awtomatiko kong nabitawan ang aking longbow. Parang winasak ang aking puso ko dahil sa tanawing iyon na kitang kita buhat sa nag-iisa at natitirang tower na nakatayo sa gitna ng digmaang iyon. "Luna," Nixie called out my name. Ngunit tila nabingi ako sa mga sandaling iyon. Bombing occured here and there. Pinatatamaan ng mga ito ang tatlong Legendary Wolves na nagwawala na at pilit lumalapit sa grupo ng mga rebeldeng asong lobo na gumagamit ng can

