HINDI ko namalayan na naka-idlip na pala ako buhat sa pagkakatali sa gitna ng kampo ng mga rebelde. Naalimpungatan lang ako ng makaramdam ng maingat na yabag patungo sa aking direksyon. Nag-angat ako ng tingin. I saw Callia approaching me. "Shh! Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin ng mga bantay ngunit marami pa din ang nasa paligid. Kailangang makatakas ka na bago pa makabalik si Pinunong Luca," bulong nito ng hustong makalapit sa akin. Inilabas nito ang isang matalas na punyal at hiniwa ang makapal na lubid na nakatali sa aking mga kamay at paa. Madilim ang paligid at base sa katahimikan at huni ng kuliglig, mukhang natutulog na ang karamihan sa mga rebelde maliban sa mga nagroronda sa camp area. Saglit na umalis si Luca kasama ang mga bisita nito kanina. Ngunit nag-iwan muna it

