SUMAPIT ang hatinggabi tahimik ang buong paligid. Madilim ang gabi wala din kahit isang bituin sa kalangitan. Tila nakiki simpatya ang panahon sa nakatakdang mangyayari. Walang kaalam-alam ang lahat nakalabas na ng gate si Kyla at Jeianne. Kaninang natanggap nila ang tawag nasa malapit na ang mga assassin. Nakipag usap siya sa team leader. Sinabi niya na kailangan makuha nila ang isang babae. At pinakita ni Kyla ang mukha ni Addison Perez. Pero bago yon siguraduhin na may suot itong kwintas. “Maiwan kayong dalawa dito, hindi kayo maaaring sumama sa amin sa loob.” “Pero ngayon din lulusob dito ang mga kalaban.” “Bumalik na lang kayo sa loob at ako na ang bahala sa babaeng yon.” “Hindi na kami maaaring bumalik doon baka mapag kamalan nila kaming kalaban.” Ani Jeianne. “Okay, ganito na