KASAMA ni Arah, ang kaibigan si Lumen. Naroon sila sa bagong bukas na Mall. Siya ang tunay na may ari ng PAM-shopping mall na yon. Pero ibang tao ang naka front at silang dalawa ay nakasuot lang ng simpleng bestida. Ang mga bodyguard ni Arah, naroon sa malayo ang mga ito pinagbawalan niyang lumapit sa kanya. Nakatayo si Arah, sa harap ng isang mannequin. Habang ang kaibigan si Lumen, ay inaayos ang pagkaka display ng mga long gown. May narinig siyang mga boses at nang lumingon ay nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Eritch. “Pag minamalas ka nga naman, sa dami ng tao sa mall na ito ikaw talaga ang nakita ko?” nakatas ang kilay habang sinasabi iyon. Ganun pa man hindi siya apektado. “Oh, ngayon huwag mong sabihin na pagbabawan mo rin ako dito at palalayasin? Siguro naman hindi ikaw ang