WEEKEND nasa bahay ng mama ni Draco si Iden. At naririto sa penthouse niya si Arah, pero walang ganang lumabas ng bahay. Kaya hanggang sa mga oras na yon ay nakahiga pa rin siya. “Masama ba ang pakiramdam mo at dadalhin kita sa opsital.” Tanong ni Draco. Napataas ang kilay ko kahit nanatiling nakapikit. Kakaiba yata ang aura ng binata ngayon. Kitang kita niya ng bahagya siyang nagmulat ng mga mata. “Kuting ko, tinatanong kita, alam ko naman na gising ka na eh.” “Masyado kang OA, nakita mo lang nagbabad ako sa higaan ospital agad ang iniisip mo, huh!” “Masama bang mag-alala?” nakangiti nitong tanong sa kanya. Hindi niya sinagot di Draco, bakit pala naririto pa ang lalaking ito at hindi umuwi sa mansion nito. Hindi mawala sa kanyang isipan ang araw na umuwi sila mula sa Hidden Falls. Na