WALA ng inabutan si Draco at dalawang kapatid ni Arah. Ang duda nila hawak ni Arjay ang kopya ng cctv. At duda din nila makikipag negotiate sa kanya o kay Arah, ang lalaking yon. O talagang ginawa ng mga ito upang ma-frameup si Arah. “Anong plano, Tol Elijah Remo?” tanong ni Draco, sa pananahimik ng kaibigan. “Sa ngayon wala tayong magagawa hintayin natin kung sino ang may hawak sa kopya ng cctv.” “Paano kung idiin nila si Princess?” tanong ni Premo. “Hindi siya ang pumatay, kaya lalabas din ang katotohanan. Ang hintayin natin kung sino ang makikipag deal sa atin. Ibig sabihin nasa kanya ang kopya ng cctv.” Bumalik sila ng Manila, at napagpasyahan ng kambal na ipaalam sa parents’ ng mga ito. Kaya hindi muna sila umuwi ng penthouse ni Arah. Pagdating mansion Montemayor, iniwan muna s