MAAYOS na sana ang buhay namin dito sa liblib na lugar ng Quezon Province. Kahit maliit lang ang bayan dito ay kuntento na kami ni Mina. unti-unti ay kong napapansin na wala na ang trauman ng dalaga. Maayos na rin itong nakakasalamuha ng mga tauhan ko. Ang mga pinsan ko ay nawiwili ng mag pabalik balik dito siguro dahil sa kapaligiran. “Allix, nariyan na si Mr. Perez, dala ang titulo ng lupa niya. Pero may kasama siyang magandang babae.” Nilingon ni Premo si Paeng, nais niyang basahin ang iniisip nito. “Sa palagay ko irereto niya sayo ang anak niya.” napa kunot na ang kanyang noo sa naririnig. “Bakit mo nasabi ang bagay na yon, Paeng?” “Aba pag nakita mo yung itsura ng babae. Kakaiba parang nang-aakit.” ani Paeng. Tinapik niya ang balikat ni Paeng, “sa palagay mo maaakit ako sa gan