NAGISING si Arah, sa ingay sabay bangon na tila alimpungatan pa. Luminga siya sa paligid ng napagtanto niyang nasa penthouse nga pala siya ng kakamabal na si Kuya Elijah Remo. Lumabas siya at planong sigawa ang kapatid ng matigilan. Lalo pa at nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki. Saka lang niya naalala ang suot. Naka pantulog lang siya ng silk. Agad na pumihit pabalik sa loob ng silid. Sinara ang pinto at nagtungo sa closet ng kanyang Kuya Elijah Remo. Habang nagbibis ng jogging pants na pagmamay ari ng kapatid. iniisip niya bakit kasama ng dalawang kakambal si Draco. Magkaibigan ba ang mga ito pero bakit hindi yata niya alam? Nang makapag bihis ay lumabas siya at hindi pinansin ang tatlo. Nagtungo sa dining table at sinilip kung may pagkain. Napangiti siya ng makita ang paborito ni