DAHIL sa pangyayaring yon ay tuluyang nakipaghiwalay si Tita Larah sa asawa nitong si Tito Eddie. Sapagkat, nalaman na nito na nagkaroon din pala ng affair si Mrs. Patty at Tito Eddie. Ang hindi niya alam kung sino ang nagsabi sa mama ni Draco. Ilang beses na rin nahimatay si Tita Larah, sa tuwing tumitigil ang t***k ng puso ni Draco. Kaya siya na ang nagpasya na bigyan ito ng injection na pang pakalma. Dahil kahit siya kakaiba na rin ang pakiramdam. Sinisikap lang niyang magpakatatag. Halos hindi na rin si Arah umaalis sa loob ng chapel upang humingi ng awa sa Diyos. Lalo na at ilang oras na lang ang natitira at malapit ng lumampas ang 72-hours. Ang mga mata ni Arah, ay ilang araw ng maga dahil sa pag-iyak. “Princess, tama na yan halika sumama ka sa akin.” hindi siya nasagot at kahit