ARMEDAH NAKAMASID lang ako sa mga magulang ni Luke Ali. Lalo na kay Mommy Aaliyah, ano kaya ang maging reaksyon nito kapag nagpakilala na si Tyron Agapito? Saglit akong nag paalam sa kanila. Tinawagan ko si Mr. Luther, para imbestigahan kung sino ang ina ni Tyron Agapito. Ibinigay ko rin dito ang pangalan ng binata at lugar kung saan ito tumira ng dalawampung anim na taon. Pero syempre, mamaya kukuha ako ng chance upang kausapin si Daddy Niko. Mabuti na malaman agad nito. Upang makahanap ng pagkakataon na ipagtapat kay Mommy Aaliyah. Naawa ako kay Tyron Agapito. Sa twenty-six years ng buhay nito kahit isang pamilya ay wala ito. Bumalik ako sa loob at wala na si Mommy Aaliyah, umakyat na raw ito sa silid nito. Kaya ng nagpaalam si Luke Ali, may gagawin sa dating kwarto nito sa taas. Ag