ARMEDAH ONE week later. Tinatawanan ako ng mga kaibigan ko. Dahil sobrang laki ang aking tiyan. Bawat nakasalubong namin ay agad na tumatabi. Ako raw ang siga ng buong mall. Narito kami sa mall, hindi sila pumayag na ipagpaliban ang shopping para sa aking mga anak. Hindi din sila pumayag na may maiiwan dapat lahat daw sila ay ninang. Kaya heto naka libre na kami sa mga gamit ng mga baby ko. Tatlong crib ang binili ni Savannah, at ang kay Micah, ay pinakamahal na stroller with car seat. Kasama doon lahat ng gamit sa paliguan. Pinakamahal na diaper, mula small up to XL, ang kay Princess Maxine Raccia. At bawat isang size ay sampung packs. Dapat daw every two hours papalitan ng diaper ng hindi magkaroon ng rashes. Akala mo may anak kung umasta ang kaibigan naming ito. Ang mga hindi nab