C- 29

3141 Words

ARMEDAH ILANG araw ko ng hindi nakikita si Mr. Liam. Siguro bumalik na ng Manila, pero bakit hindi ako mapalagay. Sa tuwing gumigising ako sa umaga inaasahan ko na makikita siyang nakatayo sa labas ng floating resort. Kaya lang ilang umaga na hindi ito nagpapakita sa akin. At muli kong naramdaman ang matinding lungkot. Umiling iling ako baka mawawala ang ganitong pakiramdam pero mas lalo yatang lumalala. Ang aking dibdib ay namimigat at kumikirot. Ang isipin na hindi ko na muling makikita ang binata ay nagpapasakit sa aking puso. “Kumusta ka naman magandang mommy?” nakangiting mukha ni Dra. Kaia, ang nalingunan ko. “Ayos lang naman ako, ngayon na ba ang alis mo?” “Yeah, meron akong pasyente pero wag kang mag-alala naririto naman si Dr. Norman.” Nadagdagan ang lungkot na nadarama ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD