NALULUHA si LA, nang makita ang mga kapatid. Ganun din ang lahat ng mga pamangkin. Hindi niya inaasahan na darating pa sa kanila ang pagkakataon na ito. Simula ng magka-asawa sila ay bihira na magkita kita. Kaya naman walang pagsidlan ang puso niya sa galak. At para sa kanya ang araw na yon ay isa sa pinakamagandang nagyari sa buhay niya. “Daddy, bakit ka po umiiyak hindi ba dapat masaya ka ngayon 70th birthday mo? Naririto lahat ng mga taong nais mong makita at muling makasama. Ito ang matagal mo ng inaasam ‘di ba po?” nakangiti si Princess Arah, habang hinahagod ang likuran ng ama. “Tears of joy, hindi ko lang ito inaasahan anak. Akala ko mamatay na lang ako na hindi kami kumpletong nagkikita na magkakapatid. At kasama pa talaga ang mga pinsan mo at lahat ng apo naming apat.” emosyon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books