HINDI alam ni Kate Lorraine, kung ano ang drama ng lalaking ito. Kaya ng makarating sila sa harapan ng penthouse nito ay agad niyang iginilid ang sasakyan. Hinintay na bumaba ito pero parang walang plano. “Mr. Montemayor, late na at kailangan ko ng umuwi ng bahay.” Aniko. “Hindi ba bahay itong penthouse?” “Please lang bumaba ka na.” ngunit hindi pa rin kumikilos. Kaya kinuha niya ang kanyang bag at siya na lang ang bumaba. Naglalakad na siya patungo sa labasan kung saan may taxi na maaring dumaan. Nang biglang umangat siya sa ere. Sa puntong yon nakaramdam siya ng galit. Ngunit sinisikap pa rin maging kalmado. “Ibaba mo ako!” matigas niyang utos dito. At binaba nga siya nito pero sa loob ng sasakyan. Kaya ng makapasok sa loob ay agad niyang pinindot ang lock. Saka pinasibad palayo ang