TUMAWAG sa kanya at humingi ng tulong si Tita Larah. Nais nilang ipasok ang mama ni Mr. Reggie sa ospital. Baka may magagawa pa ang mga doctor sa sakit nito. Kaya agad kinausap ni Elijah, ang ama. At nangako naman ito na agad ipaparating sa Gonzalgo VIP Private Hospital. Isang oras ang lumipas at nag reply ang Chairman ng Gonzalgo VIP Private Hospital. Tinaggap nila ang pasyente pero may mga kondisyon na kailangan nilang pirmahan. Wala namang pagtutol kay Tita Larah, agad itong pumayag. Makalipas ang ilang oras naglanding sa roof top ng ospital ang Saavedra private chopper. Sinalubong naman agad ng mga doctor ang mga ito. Maraming pagsusuri ang ginawa sa pasyente sinigurado ang result. Kung tama at walang pagkakamali ang lahat ng findings sa na unang ospital. At makalipas ang kalahatin