Ay kaloka kanina pa dada ng dada si Twin C eto ba epekto sa kanya ng puyat? Dapat pala dito di pinupuyat eh kawawa naman kung ano ano ang pinagsasabi.
" Twin C "
" Bakit? "
" Sa susunod wag ka na magpupuyat ah? " payo ko sa kanya
" Huh bakit? " nagtatakang tanong naman nya
" Bakit? Eh kasi po nagiging madaldal ka " sabi ko naman sa kanya saka pinisil ang pisngi nya
" Ganun? " paawa effect nyang sabi saka nag pout
Puro na lang about sa papeles ang dinadaldal nya and worst we didnt even understand what she was talking about. She alway sa I sign this, I read this, I wrote this ugh! Even her sentence di namin naiintindihan.
" Hey guys! Alam nyo bang---- "
Hindi na pinatuloy pa ni Andrew ang pagsasalita ni Twin C inilapat kasi ni Andrew ang isa sa daliri nya sa labi ni Celine pero inalis naman agad ni Celine.
" Problema mo? " galit na tanong ni Celine
" Ikaw " sagot naman ni Andrew
Itinaas naman ni Celine ang dalawang kamay nya na parang sumusuko na, ang babaeng to talaga.
" Sorry! Kasi naman nagkukwento ako dito ee " Pagmamaktol nya pa
" Wait! Chichay, alam mo ba ang mo ba ang mga kinukwento mo? " tanong ni Andrew sa kanya
" Oo naman " masigla nyang sagot
" And do you even know na paulit ulit lang ang mga sinasabi mo? " tanong ko naman sa kanya at kumunot ang noo nya
" Eh? "
Kitams hindi nya nga alam na paulit ulit ang mga kinukwento nya tapos sasabihin nya na nagkukwento sya! Okay sige nagkukwento sya ng PAULIT ULIT. *sigh* Epekto nga naman ng puyat oh nakakabaliw pala yun napakalala di talaga ako magpupuyat.
" Ganun ba sorry~ " sabi nya sabay kamot ng ulo nya at napailing na lang kami
Tumango na lang kami at naglakad pabalik sa class, five minutes na lang mag i-start na ang class namin pagdating naman namin dun sinalubong agad kami ng mga SC.
" Celine! We're really soprry kung naiwan ka namin mag isa sa SC room kahapon kasi naman may emergency meeting kami! We're really sorry talaga Celine " nagmamakaawang sabi ni Lyka
" Naah~ dont worry about it! I knew it already! " sagot naman ni Celine
" Yaah~ Celine, am I heard it right? Do yah really speak in english? " nagulat na tanong ni Mae
" What do you think of me? Cant speak in english ha? " pagtataray naman ni Celine
" Hahaha never mind "
" Yeah whatever "
Talaga tong babaeng to! Kanina paulit ulit ang sinasabi tapos ngayon naman paenglish english pa tapos nag walk out? dala ba yan ng pagkapuyat nya? Malala ah.
" HOY BAT PA KAYO NANJAN SI PROF NASA HARAP NA OH " sigaw ni Celine samin at natauhan naman kami saka nagsiupuan
" Okay lets go back to the history! So magtatanong ako sa inyo okay? " sabi ni ma'am history
Sorry ma'am di ko alam kung sino kay kaya tatawagin na lang kitang ma'am history hahha so ano kaya itatnong ni ma'am
" Here's the first question, who discovered the Philippines? " tanong nya at nilibot ang mata nya " Mr. Oseo "
" Ferdinand Magellan arrived in the Philippines in 1521. Parts of the Philippine Islands were known to Europeans before the 1521 Spanish expedition around the world led by Portuguese-born Spanish explorer. Ferdinand Magellan, who were not the first Europeans in the Philippines. "
Abah talino hahaha tinatanong lang kung sino eh binuo naman nya edi sya na matalino pero kung sabagay kaya ko rin naman sagutin yun parang elementary pa lang ata tinuro na yan eh.
" Second question, who is the first president of the Philippines ha Ms. Park? " Langya naman oh ang dali dali naman ng tanong nya yung totoo? College ba kami? Baka high school kami or elementary.
" What a lame question Ms.?
" Kamohara "
" Ms. Kamohara okay! Emilio Aguinaldo is officially recognized as the first President of the Philippines, but this is based on his term of office during Malolos Republic, later known as the First Philippine Republi " langya nagaya tuloy ako kay Andrew
Anong akala nya samin Boplaks? Hello star section kaya to hindit to gaya ng ibang section na di iniintindi ang history kahit papaano may paki naman kami dun noh konti nga lang.
" Third question, sinong pumatay kay lapu-lapu Ms. Alvares "
" Ha? "
Patay tinaguriang President, First Brain Princess at Valedictorian hindi alam? Napaface palm na lang ako sa nagiging asta ngayon ni Twin C kung tumawag na kaya ako sa Morgan Mental Hospital? Mukhang kailangan ko ng ipaconfine dun si Twin C wala na sya sa sarili nya.
" Ma'am swear hindi po ako ang pumatay kay Lapu-lapu " sagot naman ni twin C
" Pfftt~ Bwahahahahaha " nagtawnan na lang kaming buong klase sa inaasal nya ngayon hahaha
Hahaha! Mag joke ba daw habang nasa gitna ng klase? hahahaha nice one twin C the best ka hahaha muntik na ako makatulog dun sa mga tanong ni Ma'am ee hahaha buti binuhay mo katawang lupa ko. What? ano daw? hahahahah
" No, that not what I mean " natatawang sabi ni Prof.
" Ma'am totoo po talaga sinasabi ko! Hindi po talaga ako ang pumatay kay Lapu-lapu" takot na sabi ni Twin C na mas lalong nagpahagalpak samin sa kakatawa hahahaha ang epic kahit si Prof. napatawa na rin sa kanya hahaha " Ang Chef po Prof. Sya po yung pumatay " dagdag pa nya
" Wahahahahahahahha "
Halos maluha na kami sa kakatawa at nung makarecover kaming lahat umayos na kami ng upo grabe kahit mga lalaki sa class namin tumawa ng malala! Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Celine. Celine's others side ang pagiging joker at malakas magpatawa puro na lang kasi pangbabara ang nakuha namin kay Celine. But not to the point na naoffend kami sa kanya.
" Nice one Twin C " sabi ko sa kanya habang paupo sya
" Hahaha galing ko mag joke noh? Ano havey ba? "
" Havey na havey " sagot ko naman sa kanya
Natawa naman kami ng saglit saka namin itinuon kay Prof. ang atensyon namin.
" Lets continue, please Ms. Alvares? Please be serious "
" Sorry Ma'am tinopak lang talaga ako ngayon. The warriors of Lapu-lapu, a native chieftain of Mactan Island, defeated spanish forces under the command of Ferdinand Magellan who was killed in the battle " salamat naman at nakasagot sya ng matino ngayon
Hanggang sa matapos ang two hours na class kay Ms. Kamohara halos lahat kami masakit ang tyan sa kakatawa! Ang lakas ng trip ni Twin C ee hahahaha hanggang ngayon di pa rin kami makaget over sa mga kakatawanan sa loob ng classroom! Oo nga pala pupunta kami ngayon sa bahay ni Celine para kunin ang papers na papapirmahan sa mga founders.
Tumigil muna kami sa isang tricycle para magpahinga wala namang laman kaya okay lang kasama namin ang SC na hanggang ngayon tumatawa pa rin.
" ANo bang ginagawa mo? " tanong ni Hanna, pano ba naman parang may kinakalikot si Celine sa gilid ng tricycle
" Basta " sagot naman ni Celine " Ayan! Lika layo muna tayo may papanoorin tayo " sabi nya at lumayo naman kami
Mula sa isang bahay may payat na lalaki na lumabas at pumunta sa trycicle sya ata ang driver nung nakasaya na sya may babaing lumapit sa kanya sa tingin ko sasakay tapos nung sumigaw ang babae at nakita namin ang limang matatabang pasahero yung dalawa naman sobrang taba.
O___O
Seriously? sasakay sila? Hindi kaya bumigay ang tricycle sa kanila?
" Bingo " dinig naming sabi ni Celine
at nung umandar
O___O
" Pfftt~ wahahahahahahha "
Hindi na namin napigilan pano ba naman nung umandar na ang tricycle ang motor na lang ang umabante tapos yung side car naman naiwan! Hahaha nahati ang tricycle sa dalawa, nagulat na lang tuloy yung driver tapos yung matabang babae naman na nakasakay sa side car na naiwan at inunahan ng motor ayun galit na galit hahahaha.
" Anong ginawa mo? "natatawang tanong ni Searra
" Tinanggal to " sabi ni Celine sabay pakita samin ng tornilyo.
Mula sa pagkalaki ng mata namin napunta sa hagalpakan na kakatawa hanggang sa may sumira sa tawanan namin
" HOY " sigaw nung tricycle driver
" Guys~ " mahinang sabi ni Twin C " Takboooo~ " sigaw nya at nagsitakbuhan naman kami
Grabe ito ang first time kong tumakbo ng ganito kabilis, pagdating namin sa harap ng bahay ni Twin C lahat kami nagsihawak sa mga tuhod namin at hingal na hingal samantalang si Twin C nakatayo pa at parang hindi pagod! Inayos namin ang tayo namin at wow! May lalaking nakatayo sa harao naman naghahanap ata ng away to eh.
" Ikaw nanaman may gawa ng nakakatuwang pangyayari sa kabilang kanto noh? " tanong nya kay Twin C
" Bakit natawa ka? " maanagas naman na tanong ni Twin C
" OO " deretsong sabi naman nung lalaki
" Edi ako nga! Natawa ka pala eh " sagot naman ni twin C
" Ang gaganda ng kasama mo ah " sabi nung isang lalaki
" Lahi lang yan Pre " sagot naman ni Twin C sa kanila
Kikilos na sana sila Andrew, Joseph at Mike kaya lang pinigilan sila ni Twin C kaya ayun hindi na muna sila sumugod
" Eh eto gusto nyo? " sabi ni Twin C sabay taas ng fist nya
" Hindi " sabay na sabi nung dalawang chonggo
" Kung ganun bastusin nyo nang lahat at pakilaman nyo na lahat wag lang ang nanay at kaibigan ko, naiintindihan nyo ? " bossy na sabi ni Twin C
" Opo "
Grabe bipolar ata tong si Twin C eh! Ang galing kanina puro kalokohan ngayon naman kaangasan nya! Hahaha this is the best Celine's other side ever. Bukod sa pambabara nya -_-