"Beth, sasama ka ba?" tanong ng kaklase kong si Macy. I smiled weakly at her. I know she understand what I mean with it.
The hope in her eyes fade. She sighed and nod her head later on.
Ang grupo namin ang may pinakamataas na score kaya nag-aya silang mag-celebrate. May Ktv bar malapit dito at doon nila planong pumunta.
Hindi naman ako mahilig na maglalabas kaya tinanggihan ko. And besides, may asawa na akong tao. Hindi maganda tignan na nasa labas ako at nagsasaya samantalang may asawa akong naghihintay sa bahay.
Lumabas na ako ng room para magpuntang canteen. Kian texted me that he's already there.
Pagdating ko ng canteen ay agaw pansin ang grupo nila. Nagkakatuwaan.
Nang mapansin ako ni Kian ay agad siyang tumayo. Inakbayan ako at hinalikan sa aking pisngi.
His friends are eyes are on us. Tinaasan ko sila ng kilay. Giniya na din ako ni Kian na maupo sa tabi niya. He already ordered food for us.
Nakapagtataka ang katahimikan nila. Hanggang sa makalahati ko ang pagkain ay nagsipagtikhiman sila.
"Beth." Isa sa kaniyang kaibigan ang tumawag ng aking atensyon. It's Raul, ang isa sa pinakababaero sa university.
"Yes?" tanong ko. Tinignan ko siya at hinintay ang sasabihin.
Napansin ko ang pagtinginan nilang lahat. Including Kian who was silent the whole time.
"Birthday ko ngayon..." panimula n Raul. Malaki ang kaniyang pagkakangiti.
"Happy birthday," bati ko sa kaniya.
Nagkamot siya ng batok. I think I know what he wanted to say. Napatingin ako kay Kian na nakatingin din sa akin. He shrugged.
"Baka puwede mong payagan si Kian na makapunta..." Alanganin ang ngiti sa kaniyang labi. Tila isang bata na nagpapaalam sa kaniyang ina na pupunta sa labas kasama ang mga kaibigan.
Bumuntong hininga ako.
"Sige na..." Pangungulit pa din ng kaibigan niya.
"Okay... But..." Tinignan ko siya ng seryoso bago ko binaling ang tingin kay Kian na nakakunot ang noo.
"He needs to be home before 10 pm sharp."
May klase pa kami bukas. And I don't want him to get so drunk. I don't want him to skip class just because of a hang over.
His friends has this satisfying smile in their faces.
"Sino-sino ang mga kasama?" tanong ko. Naisip ko lang na bakit hindi yata ako imbitado. Not that I am interested. Nakapagtataka lang kasi.
"Kami-kami lang..." Nagkatinginan sila.
"A-all boys..."
"Okay. Parang nautal ka pa, a," I said. Nagkamot siya ng batok.
"All boys nga..." Sabad ng isa.
"Pumapayag ka? Pinapayagan mo siya?"
I rolled my eyes. "Oo nga. Basta huwag niyo siyang lalasingin. Uuwi siya bago mag-ten."
"Yes!" Tuwang-tuwa na sila. Kala mo mga bata. Para namang hindi sila nagkasama araw-araw dito sa school.
"Thanks, Moo..." Nginitian ko si Kian. He kiss me on my cheeks again.
"Huwag magpakalasing. Dapat ten nasa bahay ka na..." Muli kong paalala sa kaniya.
Tumango-tango siya.
Umuwi akong mag-isa after ng klase ko ng 4pm. Sina Kian ay kanina pa nakaalis dahil hanggang 3pm lang ang klase nila.
May mga text messages siya sa akin. Sinasabi na paalis na sila at nang makarating na sila sa bahay ng kaibigan.
I won't have to cook for dinner. Kakain na lang ako ng instant food total mag-isa lang naman akong kakain.
Kinukulit pa ako ng mga kaklase ko kanina. They think that I would change my mind nang makita nila na walang Kian na naghihintay sa akin after class.
I refuse to go with them. May mga assignments akong gagawin.
Alas-siete nang matapos akong maglinis sa baba. Umakyat na ako sa kuwarto para makapag-shower at pahinga.
I am not at ease. Ito ang unang beses na nasa labas si Kian kasama ang kaniyang mga kaibigan mula nang ikasal kami.
Panay ang tingin ko sa aking celphone. Pinigilan kong mag-text sa kaniya dahil maaga pa naman. Basta sumunod siya sa usapan na ten pm ay nandito na siya.
Eight pm came... Hindi ako dalawin ng antok. Ang isip ko ay na kay Kian. Ngayon ko lang naisip na nakainom siya at magda-drive siya pauwi.
I feel so worried. Nagtipa ako ng mensahe.
"Don't get too drunk, okay? Sorry... I am just worried. Iwan mo na lang ang sasakyan mo at mag-taxi ka na lang. Be safe. I love you, Moo."
Bumuntong hininga ako at bumalik sa paghiga. I closed my eyes and try to get some sleep pero hindi talaga ako antukin.
Bumangon ako at umupo sa study chair. Nilabas ko ang aking notebook at binasa ang mga notes ko.
Hindi ko na papayagan si Kian sa susunod na may magpaalam na naman. Hindi ako mapakali habang inaalala siya dito.
Napatingin ako sa wall clock. It was past nine pm. Bumuntong hininga ako. Pauwi na siya kaya hihintayin ko na siya sa baba.
Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa sofa nang marinig ko ang pamilyar na ugong ng sasakyan. Oh, thank God!
Agad kong tinungo ang pintuan para mapagbuksan siya. Ngiting-ngiti siya nang makita akong nakatayo dito sa may hamba ng pintuan. He don't look like drunk.
Mukhang sinunod niya ang bilin ko. Agad niya akong hinalikan sa labi nang makalapit siya sa akin.
"Ang aga pa, ha," sabi ko dahil wala pa ngang nine thirty pero anndito na siya. Ngumiti siya.
"Na-miss na kita agad, e," tugon naman niya. Muli niya akong hinalikan.
"Nakainom ka," nakangusong sambit ko. I don't like the smell of the alcohol.
Inakbayan niya ako. "Maliligo lang ako. Tapos... Alam mo na..." Marahan niyang hinaplos ang aking braso papunta sa aking bewang.
Tumawa ako at nailing. "Sige na, dalian mo nang maligo para makatulog na din tayo agad," natatawa namang sagot ko.
———
"See you later." Hinalikan ako sa pisngi ni Kian. As usual, hinatid na naman niya ako dito sa classroom.
"Hi, Beth," bati ng kaklase kong si Macy. Nakangiti siya. I know she's trying to be friends with me kahit pa ilag na ilag ako sa kanila. I smile and wave at her.
"Ang saya namin kagabi, sayang hindi ka nakasama." Ngumiti lang ako.
"Oo nga pala. Nandu'n din sina Kian kagabi, a," aniya.
Napaisip ako saglit. Akala ko sa bahay ng kaibigan niya ang birthday. Ngumiti ako sa kaniya.
"Oo, birthday ng kaibigan nila." Tumango siya at saglit na nag-isip.
"E, di dapat sumama ka na lang sa amin kagabi, para ano..." sabi niya uli. Hindi ba talaga siya susuko?
Nagkamot siya ng pisngi at tila nag-iisip. Nagkatinginan sila ng iba pang kaibigan niya.
Para ano? Ano daw? Nakakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sabihin.
Bumuntong hininga siya at ngumiti din kalaunan. "We just want you to know that we are your friends. Hindi kami peke."
Lumamlam ang aking mga mata.
"Thank you," I said. I really appreciate their efforts to be friends to me.
___
Tapos na ang morning classes ko. Naglalakad na ako papunta sa canteen.
Sa unahan ay naglalakad din ang grupo ng mga cheer leader. They were talking and giggling.
"Hindi talaga ako pinayagan ni mommy. Alam mo naman. Grounded pa din ako dahil sa pagpunta natin sa bar last month," wika ng isa.
"Pero ano'ng balita? Naka-score ka ba?" tanong niya du'n sa cheer leader nila.
"Kamuntik na. Pero umalis din agad. Nakakainis!" Impit siyang tumili.
"Oh... So, tingin mo loyal talaga siya sa asawa niya?" tanong ng isa.
"Too early to say that. Hindi ako susuko. Malapit nang matapos ang school year. Malapit na tayong gr-um-aduate. Hindi ako makakapayag na mapupunta sa wala ang apat na taon ko..."
Bumuntong hininga ako. Why am I listening to their conversations? Sa sobrang lakas ba naman kasi, hindi mo maiiwasan na makinig.
Napalingon ang isa. She stiffened dahilan para lahat sila mapalingon sa akin.
The cheerleader smirk at me. At hindi ko alam kung para saan iyon. I just shrugged.
Nauna silang pumasok sa canteen. Napangiti ako nang makita ko si Kian na titig na titig sa akin.
The cheerleader greeted Kian in a very flirty way. Napakunot ang noo ko. I know that he was attracted to my husband pero nakapagtataka lang na binati niya ito ngayon.
Nag-iwas ng tingin sa kaniya si Kian. Naupo ako agad sa tabi ng asawa ko. Agad naman niya akong hinalikan sa aking pisngi.
"I love you..." bulong niya. Ang sweet naman ng asawa ko. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi. Mabilis lang at magaan.
Ngumiti siya at pinisil ang aking ilong. His friends make a shriek sound kaya naman binalingan ko sila.
"Kumusta ang birthday party?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Dinig ko ang pagtikhim ng mga grupo ng babae kanina na nakaupo lang sa kabilang mesa.
Nagkamot ng ulo si Raul. "I-It was fine..." aniya. Fine. Hindi ata sila nag-enjoy.
I didn't say a word again. Kumain na kami habang ang isang kamay namin ni Kian at magkasiklop.
Panay at sulyap niya sa akin kaya napapasulyap lang ako sa kaniya.
"Why?" natatawang tanong ko. Umiling lang siya.