Hindi ako nakatulog nang maayos sa magdamag pero nagising pa din ako ng maaga. Ang bigat ng ulo at dibdib ko. Masakit na masakit pa din pero hindi ko na magawa pang maiyak. Naubos na ata ang luha ko. 
Ibig sabihin ba nu'n ay tanggap ko na ang mga nangyari? 
Ngayon ang graduation namin. I should be happy because all my hardworks paids off. Magtatapos ako with flying colors. Kami ni Kian. Pero hindi ko man lang magawang ma-excite. I was also thinking of not attending my graduation. Makukuha ko pa din naman ang diploma ko at ang awards ko sa dean. 
May graduation picture na din ako na agad sinabit nina Mama at Papa sa dingding. Pero importante ang araw na ito lalo sa mga magulang ko na nagpagod para mapag-aral ako. 
Natulala ako ng ilang segundo. Muli na namang sumagi ang mga nangyari kahapon.
Huminga ako nang malalim. 
Ayaw ko na sana pang isipin ang mga nangyari. Dahil ayaw ko na ulit na masaktan pa. 
Hindi na mangyayari pa ang mga plano naming dalawa ni Kian. Mag-isa ko na lang na tutuparin ang mga pangarap ko. Sanay naman na akong mag-isa. Ako pa ba? 
Maybe, I should travel and do something fun while I am on a vacation. Yeah, how about I spend one month travel on some beautiful tourist attraction in the country, before applying for a job. 
Para naman bago ako magtrabaho hindi na ako gaanong stress dahil sa mga nangyari. 
——
Maaga akong gumising pero tanghali na akong bumaba. Agad sumalubong ang ingay na nagmumula sa living room. Nandito ang mga kamag-anak namin. May mga gifts na nakalagay sa gilid. May mga flowers din at balloons na napakaganda ng pagkakaayos. 
Ngumiti ako at kemeng kumaway. Hindi kami gaanong close lalo at hindi naman kasi kami sabay lumaki ng mga pinsan ko. Also I am a loner unlike them who have their social life. Pero masaya ako at nandito sila ngayon para sa akin. 
"Congratulations!" bati nila at isa-isa akong bineso. 
"Thank you..."
Nakahawi ang kurtina kaya naman tanaw na tanaw ko ang bahay nina Kian na nasa tapat lang ng bahay namin. 
May mga sasakyan na nakaparada sa labas na natitiyak ko sa mga kamag-anak din nila. 
My cousin Liz told me that Kian was here a while a go. Sa kaniya daw galing ang pinakamalaking bouquet ng rosas na may iba't ibang kulay. 
Hindi ko alam kung para saan ang bulaklak na 'yan. Is it to congratulate me for our graduation?
Dahil natitiyak ko naman na sa nangyari kagabi tuluyan na niyang sinira ang relasyon namin. He planned for it, and that's for sure. He didn't even tried to explain or chase after me.
It's not that it would change my mind about us, though. At least he could have tried to be honest with me. Pero kung sinabi ba niya sa pagmumukha ko ang totoo mas madali ko kayang matatanggap o mas lalo lang akong masasaktan? 
May mga bagay akong napag-isip dahil sa nangyari. Hindi naman talaga kami nagmamahalan ni Kian bago kami ikasal. Ni hindi din kami naging magkaibigan. 
Pinikot namin siya, pero kasalanan naman kasi niya. At kasalanan ko din nang hindi ako nagsalita at tumanggi nang ipagpilitan ni papa na ikasal kami. 
Siguro ayaw lang ni Kian na mapasama sa mga magulang namin kaya um-oo na lang siya. Akala ko okay kami. Hindi pala. 
——
Alas-tres ng hapon ang graduation kaya pagkatapos naming mananghalian ay sinimulan na akong ayusan ng mga pinsan ko. 
Alas-dos y media nang makarating kami sa venue. I graduated as magna c*m laude and Kian graduated as c*m laude. 
Naluha ako nang umakyat siya sa entablado para tanggapin ang diploma at award niya. Nang humarap siya ay agad akong nagbaba ng tingin. 
Hindi ko na din gaano ginala ang paningin ko dahil baka makita ko sina Jewel at mga kaibigan niya. 
"Congrats!" bati namin sa isa't isa ni Macy. Mangiyak-ngiyak kami parehas pero kapwa may mga ngiti sa aming mga labi. 
Emosyonal ang lahat lalo na ang mga magulang. Pagkatapos ng ceremony ay naging abala na ang lahat sa picture taking kasama ang mga kaibigan at ilang mga relatives. 
Nilapitan ako ng ilang mga kaklase ko para makipag-picture. Pagkatapos nu'n ay linapitan ko na din ang mga magulang ko na panay ang iyak. 
Niyakap nila akong parehas.
"Congrats, anak. We're so proud of you..." 
"Thank you, Ma, Pa. Utang ko po ang lahat sa inyo." 
Umiling sila. "It's our responsibility bilang mga magulang mo." 
At pinapangako ko na babawi ako sa inyo sa lahat ng ginawa niyo para sa akin. 
"Congrats, Beth!" 
"Congrats, Insan!" 
Lumapit na din ang mga kamag-anak-anak ko para sa picture taking. 
Ilang sandali pa ay lumapit din ang mga magulang nina Kian. They both congratulate me. Masayang-masaya sila. Mukhang wala pa silang alam sa nangyari. Wala naman silang kasalanan kaya naman normal ko silang pinakitunguhan. Ganun din ang mga magulang ko. 
Pinakilala nila ako sa ilang mga relatives nila. 
"Our daughter in law," masayang pakilala nila sa akin. Kamuntik ko nang makalimutan na kasal pa din pala kami ni Kian.
Nakipagkamay at beso sa akin ang mga kamag-anak nila. Mamaya pa ay lumapit na din sa amin si Kian. 
"Congratulations, Moo... I'm so proud of you," bati niya sa akin. Agad niya akong niyakap na kinagulat ko. 
"C-congrats din," bati ko pabalik. Pinigilan kong malaglag ang aking luha. 
"Mag-usap tayo mamaya, ha?" bulong niya sa akin gamit ang napakalambing at nakikiusap na tono. Hindi ako umimik pero dahan-dahan akong tumango. 
Naging tampulan kami ng tukso ng mga pinsan niya at mga pinsan ko. They want us to kiss. At game na game naman si Kian. He kiss me on my cheeks at agad naman nila kaming kinuhanan ng picture. 
Kailangan kong umarte dahil wala naman silang alam sa nangyari. Kailangan ko ding ipakita sa mga nakakakilala sa amin na ayos lang kami kahit hindi. 
Hangga't maari gusto ko na amin-amin na lang sana ang lahat gaya noong biglaan kaming ikasal.
Tinawag siya ng kaniyang mga kaklase kaya pansamantala muna siyang humiwalay sa akin. Inaaya niya akong maki-join pero agad akong nilapitan nina Macy at hinila sa grupo nila. 
"Ano 'yun?" tanong niya. Umiling lang ako at tipid na ngumiti. 
"Wala pa silang alam?" Pabulong niyang tanong. Tumango ako at bumuntong hininga. 
"Tara, makipag-pa-picture tayo sa iba," aya ko sa kaniya. Gusto kong mapuno ang graduation photo album ko para naman madami akong bubuklatin pagtanda ko. Mga alaalang babaunin ko sa pagtanda o habang buhay. 
Napalingon ako kay Kian na masaya kasama ang mga kaklase nila. Pansin kong lumapit sa kanila si Jewel. Nag-iwas ng tingin si Kian at sakto namang nagkasalubong ang mga mata namin. 
Nag-iwas ako agad ng tingin at pinilit na makisalamuha sa iba. 
—
Six pm nang umalis kami sa venue. Isahan ang ginawang celebration namin ni Kian. Nagpa-reserve daw ang kaniyang mga magulang sa isang restaurant. 
Sumakay ako sa sasakyan ng mga pinsan ko at si Kian ay sa sasakyan din ng mga kamag-anak niya. 
Magkatabi kami ng upuan ni Kian habang kumakain. Todo asikaso siya sa akin. Panay ang tanong kung ano ang gusto kong kainin o kaya naman kung masarap ang kinakain ko. 
Ang ibang mga kasama namin ay kinikilig pa. Ang magulang ko naman ay tahimik lang, nagmamasid at minsan nagkakatinginan. 
Pagkatapos naming kumain at nang makalabas kami ng restaurant ay napatingin ako kay Kian na tahimik sa aking tabi. 
"Hindi pa ba uuwi ang mga pinsan mo?" tanong niya. Umiling naman ako. Ngumuso siya at saglit na nag-isip. 
Tahimik lang din ako na pinagmasdan siya. At habang titig na titig ako sa kaniya ay damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso na mas lalong nagpasakit sa aking dibdib. 
Nanubig ang aking mga mata kaya agad akong umiwas ng tingin. Pasimpleng pinunasan ang luha at muling binalik ang tingin kay Kian na kanina pa tahimik. 
Agad ko siyang niyakap na kinagulat niya. Niyakap din niya ako pabalik. 
Parehas kaming tahimik at ang tanging naririnig lang namin ay ang nga pintig ng aming mga puso. 
"Tara na!" sigaw ng mga pinsan namin kaya agad kaming bumitaw sa isa't isa. Nginitian ko siya bago ako sumakay sa sasakyan ng pinsan ko. 
Goodbye, Kian.