Chapter Nineteen

2018 Words
years later... Luminga-linga ako habang tulak ko ang cart na naglalaman ng aking mga bagahe. Napangiti ako nang makita ko ang hinahanap ko. "Here!" sigaw nila habang nagtatalon-talon pa. Ang saya-saya nila. Akala mo naman hindi kami nagkita ng ilang mga taon sa mga reaksyon nila. "Welcome back!" sabay-sabay nilang tili nang makalapit ako sa kanila. Nagkibit balikat ako at natatawang bineso sila isa-isa. "So, you have decided, ha?" tanong ni Macy habang nakatingin sa aking bagahe. "No final plans yet. Tara na," aya ko dahil medyo mainit dito sa labas. Isang Hi-Ace van ang dala nilang sasakyan. At may kasama din silang driver. Nagpasya kami na kumain muna bago kami tumulak sa biyahe papuntang bahay ng mga magulang ko. It's their wedding anniversary today kaya naman ngayon ko talaga ty-in-empo ang uwi ko. Hindi nila alam na uuwi ako dahil plano ko talagang surpresahin sila. —— Nagsimula na ang kainan nang makarating kami sa bahay ng mga magulang ko. Maganda ang panahon kaya naman sa labas ng bahay nila pinuwesto ang handaan. May mga mesa at ilang mga upuan. May table din para sa mga pagkain na nakalagay bandang gilid. Nauna sina Macy na lumabas ng van. Napalingon ang mga kamag-anak ko nang mapansin sila. Sina Mama at Papa naman ay agad tumayo upang salubungin sila. Napangiti ako. Dahil sa pananabik ay agad na akong lumabas ng van para salubungin sila ng yakap. "Anak!" tili ni Mama sa labis na tuwa. Halatang nasurpresa siya. Mahina akong natawa ako mahigpit siyang niyakap. Ganu'n din ang ginawa ko kay Papa na tahimik man ay makikita naman ang kasiyahan sa kaniyang mga mata at labi na may matamis na ngiti. "Happy anniversary po!" Hinalikan ko sila sa kanilang mga pisngi. Hinaplos-haplos pa ni Mama ang mukha ko. "Salamat, Anak. Na-miss ka namin." Ngumiti ako. "Na-miss ko din po kayo. Nasaan po si Brent?" tanong ko habang palinga-linga. Inaasahan ko pa man din na siya ang unang sasalubong sa akin. Hindi ko kasi siya makita. "Nakatulog na. Napagod sa paglalaro. Mamaya gigising na din iyon," tugon ni Mama. Ngumiti ako at tumango. "Halina kayo rito nang makakain na din kayo," aya sa amin ni Papa. Binati ko lang saglit ang mga kamag-anak namin bago ako naupo. Natakam ako sa mga nakahain na pagkain lalo na at lutong bahay. Sa sobrang pagod ko sa trabaho hindi ko na kaya pang magluto pa. Kumakain na lang ako sa labas o kaya'y magpapa-deliver. Ang ilang mga bisita at kamag-anak na tapos nang kumain ay nagsimula ng kumanta sa videoke machine. Sina Mama at Papa naman ay kasalo namin dito sa mesa. Matamis ang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan akong kumain. Minsan nagkakangitian pa sila. Patapos na akong kumain nang marinig ko ang boses ni Brent. Karga siya ng kaniyang yaya. Binitawan ko ang hawak kong kubyertos at agad siyang kinuha sa kaniyang yaya. "I miss you, baby!" Pinanggigilan ko siyang halikan. Mangha naman itong nakatingin sa akin. "Mamama..." sambit nito kaya natawa ako. Ngumuso ako at muling pinupog ng halik. Naiinis na siya kaya natawa akong lalo. "Malamog ang pisngi ng kapatid mo," saway sa akin ni mama kaya ngumuso ako. "Na-miss kasi ito ni Ate, e," nakangiting sambit ko. Ngumiti naman sa akin si Brent. Kapatid ko si Brent. Sabi nila menopausal baby daw siya, dahil nasa 40's na din si mama nang ipagbuntis niya si Brent. Nakatutuwa dahil nagkaroon din ako sa wakas ng kapatid. Pinangarap ko talaga na magkaroon ng kapatid. Iyon nga lang late nang dumating. Parang anak ko na tuloy siya. Ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan siya. "Akin na muna si Brent, ubusin mo na ang pagkain mo," sabi ni Mama. Binigay ko na sa kaniya si Brent at muli akong umupo. Napatingin ako kay Macy na may kakaibang tingin sa akin. Inikutan ko siya ng mata. Ganu'n din ang ginawa niya sa akin. Padilim na ng matapos ang handaan. Hindi na din muna bumiyahe sina Macy pabalik ng Manila kasama ang driver. Bukas ng hapon kasi ay babalik din naman ako ng Manila dahil may aasikasuhin ako. Sabay-sabay na lang daw kaming lumuwas. Ayaw ko namang magtampo ang mga magulang ko kung aalis ako agad. —— Malalim na ang gabi. Mahimbing na din ang tulog nina Macy at Barbara, pero hindi ako dalawin ng antok. Nanatiling dilat ang aking mga mata hanggang tumilaok na ang mga alagang manok sa kabilang bahay. Ang daming mga bagay ang gumugulo sa aking isipan. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Napagpasiyahan ko na lumabas na lang ng silid at magtimpla ng kape. Gising na din siguro si Mama sa mga oras na ito. Sakto na may gusto din akong itanong sa kaniya. "Good morning, Ma," bati ko nang madatnan ko si Mama sa kusina. Ngumiti siya at binati din ako ng good morning. "Magkakape ka?" tanong niya. Marahan akong tumango at naupo na din sa silya. Tatlo ang coffee mug na tinimplahan niya. Ang isa marahil ay para kay Papa. Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay naupo siya sa tapat ko. Nagkatinginan kami ng ilang minuto. "Good morning," bati ni Papa na kapapasok lang ng bahay. Mukhang galing siya sa pag-ja-jogging sa labas. "Morning, Pa," bati ko din. Naupo na din siya sa tabi ni Mama. Napanguso ako at saglit na nag-isip bago ko sila tinanong. "Ahm... Ma, ano po pala ang balita sa..." Tumikhim ako. "... sa a-annulment?" Nagkatinginan sila bago nila kapwa tinuon ang tingin sa akin. "Pinirmahan ba niya noon?" tanong ko dahil nang umalis ako wala na din akong naging balita pa tungkol doon. Hindi na ako nagtanong pa kapag ganiyan na tumatawag ako sa kanila. Nagpalit na din kasi ako noon ng numero. I also deactivated my social media accounts, mga close friends at piling relatives lang ang may contacts sa akin. Nanliit ang mga mata ni Mama. "Why?" tanong ni Mama. May multo ng ngiti sa labi niya. Nagkibit balikat ako kahit na ang totoo ay madami akong gustong sabihin at itanong tungkol sa nangyari ilang taon na ang nakalipas. "Oo, pinirmahan niya," tugon ni Mama nang ilang minuto ang lumipas at hindi na ako ulit pang umimik. Marahan akong tumango. Pinirmahan niya. Okay. So, ibig sabihin malaya na kami parehas. Tipid akong ngumiti sa mga magulang ko para ipakita na masaya ako sa nangyari, pero ang totoo ay kabaliktaran nito ang nararamdaman ko. Hati ang damdamin ko. Isa sa dahilan ng pag-uwi ko ng biglaan at pagpapasya kong manatili na ng Pinas ay ang makausap siya. Bukod sa plano kong magtayo ng negosyo. Nagkita kami ni Jewel sa abroad two weeks ago. She explained to me everything. She beg for my forgiveness for her peace of mind. May anak na siya ngayon at plano na nilang magpakasal ng ama ng kaniyang anak. At naisip nga niya na hanapin ako para humingi ng kapatawaran. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako. Ang mga kaibigan at ang mga magulang ko lang ang nakakaalam ng address ko abroad. Basta na lang nagpakita si Jewel sa restaurant na madalas kong kainan tuwing hapunan. Muling bumangon ang inis at galit sa aking dibdib nang malaman ko ang totoo. Gusto ko siyang saktan pero hindi ako mapanakit na tao. I'm glad that she's happy now, even though she have ruined us. She look very sincere. Mukhang nagbago na din siya talaga. Kaya naman binigay ko sa kaniya ang pagpapatawad. Well, I'm glad that she's matured now. Ang totoo, nakaramdam ako ng pagsisisi matapos kong marinig ang explanation niya. Pakiramdam ko tuloy may kasalanan ako. It haunts me even in my dreams. Kaya naman napagpasiyahan ko ng umuwi ng Pinas. Pero tama ba ang naging pasya ko? —— "Ayos ka lang?" Tinapik ako ni Macy. Ngumiti ako at tumango. Napalalim na naman ang iniisip ko. Nandito kami ngayon sa bar. Kaninang hapon kami nakabalik ng Manila. Nang malaman ni Yona na nandito na ako sa Pinas nag-aya siya na mag-bar kami. Sa dami ng bumabagabag sa akin mukhang okay din na magsaya ng kaunti ngayong gabi. Nauna kami dito sa bar dahil sinundo pa daw nina Sunny si Yona. Mukhang tatakas lang daw ito. Hindi ko naman masisisi ang nanay niya kung higpitan siya kahit na twenty four years old na siya. Medyo wild kasi ang babae. Nakikinig lang ako sa usapan nina Macy at Barbara. May alumni homecoming daw ang batch namin ng elementary, high school at college. Same school kami mula elementary kami. College na lang talaga kami naging close noon. Hindi ako sigurado kung dadalo ako. Siguro kung iba ang sitwasyon baka dadalo ako. Kinalat ko ang aking paningin sa buong bar hanggang sa mapako ang aking tingin sa lalakeng nasa bar counter. Ilang taon na ang lumipas pero kilalang-kilala ko pa din ang itsura niya. He matured a bit na mas lalong nakadagdag sa kaniyang kaguwapuhan at s*x appeal. Tumikhim sina Macy dahilan para mabalik ako sa wisyo. Ngiting-ngiti silang dalawa. Tiyak na nakita din nila ang dahilan ng saglit na pagkatulala ko. Muli akong napatingin sa bar counter. This time, may kasama na siyang dalawang lalake. May isang babae na lumapit din sa kanila. Agad itong nangunyapit sa kaniyang braso dahilan para matigilan ako. I felt a familiar pain in my chest, kaya agad na akong nag-iwas ng tingin. Dumating sina Yona at Sunny kaya sa mga kaibigan ko na lang din tinuon ang aking pansin kahit pa ang isip ko'y nasa aking ex husband. Girlfriend niya kaya iyon? So, he already moved on. May lumapit na ilang mga kalalakihan dito sa table namin. Mga kaibigan nina Sunny, ang sabi ni Macy ex daw ito ni Yona. At base sa klase ng titig ng lalake kay Yona mukhang may feelings pa siya dito. Yona smirked at him. He's Elliot and the other guy is Mardy. I tried to get along with them. Sa naglipas na taon, kahit papano nag-improve naman na ako lalo na sa pakikisalamuha. Hindi na ako gaya ng dati. Nagkakasayahan kami nang lumapit sa amin sina Kian. Kasama niya ang dalawang lalakeng mukhang kaibigan niya. Mukhang kakilala nila ang ex ni Yona. What stunned me is when Yona invited them to sit with us. Gusto kong magprotesta dahil sa pagiging insensitive niya pero pinigil ko ang aking sarili. Pinakilala sila sa amin ni Elliot. Confirmed! Girlfriend nga ni Kian ang babae. Tinanong kasi ni Macy kung kasama ba niya ang girlfriend niya. Sabi niya nasa table daw ng mga kaibigan. Ang awkward... Naging tahimik kaming mga babae habang ang mga lalake naman ay nag-uusap tungkol sa business. Kian look very successful now kahit ilang taon pa lang ang nakalipas. I'm glad that he did well for these past years. "Mag-cr tayo," bulong ni Macy kaya naman mabilis akong tumango. I need to breathe. Mukhang napansin niya kung gaano ako hindi kakomportable na makaharap si Kian. Habang nasa cr kami ay naging topic nila si Kian at ang girlfriend niya. Kung gaano sila ka-compatible sa isa't isa. Really? Kaibigan ko ba talaga ang mga ito? Hindi ako umimik. "Mukhang hindi pa nakapag-move on ang kaibigan natin," tudyo ni Yona pero nanatili lang akong walang imik. Nagkatinginan sila habang pigil-pigil ang mga ngiti sa labi. "Tara na! Sayaw na lang tayo," aya ni Yona. Hinila niya ako hanggang sa dance floor. Sina Macy, Barbara at Sunny ay nakasunod lang din sa amin. Pinikit ko ang aking mga mata at unti-unting sinabayan ang tranche music. Tinaas ko ang dalawa kong kamay kasabay ng pag-indayog ng aking balakang. Hinaplos ko ang aking ulo, pababa sa aking leeg hanggang sa aking dibdib patungo sa aking mga hita. Then hinaplos ko ulit ang aking katawan pataas. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko si Kian na nakatayo at pinagmamasdan ako mula sa kaniyang kinatatayuan. Natigilan ako pero agad din akong nakahuma at pinagpatuloy ang aking pagsayaw. My mind was distracted kaya naman hinila ko ang aking mga kasama hanggang sa gitna ng dancefloor, malayo sa gawi ni Kian. Kahit na hindi naman ako sigurado kung sa akin ba siya nakatingin. Baka nasa dancefloor din ang kaniyang girlfriend at siya talaga ang pinagmamasdan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD