Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ni Christian ng makabalik s'ya sa malaking bahay. Bukod sa pagbabalik ng kanyang asawa, may kambal pa silang anak at idagdag pa ang magandang resulta na sinabi ng kanyang kaibigang doktor. Isang napakagandang resulta dahil sa wakas magagawa na n'ya ulit ang kahit anong naisin niya. Dahil pagkatapos ng session nila kanina ay sinabi ng kanyang kaibigan na pwede na siyang makalaya sa wheelchair na naging sandigan niya sa nakalipas na mga buwan. Kahit hindi na siya gumamit non basta huwag lang niyang bibiglain ang pagkilos n'ya lalo na at may kinalaman iyon sa kanyang mga binti. Kaya pagkatapos ng kanyang session ay agad s'yang lumabas ng kwarto at hindi na siya sumakay sa wheelchair. Pumasok siya sa sariling kwarto at iniwan na niya ang wheelchair sa