Hindi maiwasang isipin ni Danica ang ilang alaala nila ni Christian habang namimili siya sa malapit na grocery store malapit sa bahay nila. Noong mga panahong nasa Isla Montellano pa kasi s'ya ay lagi niya itong kasama para bumili ng stocks na pagkain nila sa bahay at magkatulong sila sa pagpili at paghahanap ng mga kailangan nila. Actually, halos magkasama naman sila sa lahat ng bagay kaya halos naalala niya ito sa lahat ng ginagawa niya. At sobra na niyang namimiss ang kanyang asawa. Mahigit ng isang taon ang mabilis na lumipas buhat ng lisanin niya ang Isla Montellano. At buhat ng araw na iyon ay wala na siyang narinig na balita tungkol sa isla lalo na sa asawa niyang si Christian. Kung kumusta na ito? Kung nakabalik na ba ito sa isla? Kung hinanap ba siya nito noong time na umalis siy