The End

4039 Words

Halos mapuno ng tao ang labas ng malaking bahay kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Christian at Danica. Sumasayaw sa mabagal na ritmo ng musika ang bawat isang magkapareha. Ang iba ay halos magkayakap na habang umiindak sa saliw ng matamis na tugtog at halos lahat ay makikitaan ng pagmamahal ang bawat magkaparehang sumasayaw. Lahat ay umuugoy ang katawan pero bukod tangi ang magkaparehang Christian at Danica na nasa gitna ng bulwagan. Napapalibutan sila ng mga magkakaparehang sumasayaw sa mabagal na tugtog. Parehas na may ngiti sila sa labi habang magkadikit ang kanilang mga noo. Halos magkadikit na rin ang kanilang katawan na sumasabay sa marahang tunog ng musika. Maya't-maya ring nararamdaman ni Danica ang nakaw na halik sa kanya ni Christian. At always ready at game na game i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD