Ramdam ni Danica ang matiim na titig ni Christian sa bawat galaw niya habang naghahanda siya ng kanilang dinner. Mabuti na lang at mayroon doong stocks na pagkain dahil ayon dito, twice a week itong bumibisita at nag-i-stay doon. At ang asawa niya rin ang nagpa-renovate ng bahay at ang bagong owner nito. At sobra n'yang nagustuhan ang ginawa nitong renovation dahil ang simple at makalumang bahay noon ay naging makabago na ngayon. Pinipigilan niya ang sariling huwag tingnan ang asawa dahil ng minsang sulyapan niya ito kanina ay nasalubong n'ya ang mata nitong matiim na nakatitig sa kanya. Hindi ito nag-iwas man lang ng mahuli niya ito sa halip ay s'ya pa ang unang nag-iwas dahil hindi niya kayang matagalan ang intensidad ng titig nito. Parang binabasa at mini-memorya nito ang kanyang buong