Denial

1102 Words
Brian's POV Tahimik lang kaming dalawa ni Krizzia dito sa loob ng sasakyan. Sa buong oras ng biyahe, wala kaming imikan. Hindi ko siya makausap dahil halata sa mukha niya na ayaw niya muna nang may kausap. Nalagpasan na namin ang Blackwell pero hindi pa rin siya umiimik. Tulala lang siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Dahil hindi ko alam ang tirahan niya, mapipilitan akong magsalita. "Krizzia?"  Lumingon ako saglit sa kaniya at tinawag ulit siya. "Krizzia?" Mabuti naman at lumingon na siya kahit wala pa rin ekspresyon ang mukha niya. Napahinga na lang ako ng malalim bago nagsalita. "Saan ka nakatira?" tanong ko sa kaniya. Nang lumingon ako ulit sa kaniya, nakita ko ang nagtataka niyang ekspresyon. "Bakit?" tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya sumagot. "Sabi mo kasi ihahatid mo ako pauwi tapos hindi mo naman pala alam kung saan ako nakatira."  Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ayan kasi, Brian. Masyadong pinanindigan na galitin si Dylan.  I chuckled lowly. “Sorry. Alam ko kasing may problema kayo ni Dylan kanina kaya gusto kong tumulong." natatawa kong sabi. "Ngayon lang ako nangailangan ng tulong, Brian. Pagkatapos nito, hindi na ako hihihingi ng tulong kahit kanino." may diin niyang sabi. Napatikom ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Bakit kaya bigla-bigla na lang siya naging seryoso? Kung puwede lang tumawa, baka tumawa na ako kaso nga lang masyadong seryoso si Krizzia. Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa habang magkasama sila? Hindi ko mapigilang ngumisi nang mag-flash sa utak ko ang itsura ni Dylan nang makita ko siyang kakalabas lang ng banyo kanina. May nangyari kayang something? Maasar nga si Dylan mamaya. Mamaya na kasi siya makakalabas sa hospital. Sa itsura ni Dylan kanina habang nakatingin sa amin, parang mapapatay niya ako. Napahinga na lang ako ng malalim at ngumisi. Okay, Brian. Brace yourself and be ready to Dylan's killer punches he will give to you soon.   Krizzia's POV Hindi ko mapigilang sumiksik dito sa pinto ng kotse sa side ko dahil kay Brian. Pagkatapos ko kasing magsalita, tumahimik siya tapos ilang saglit ang lumipas, ngumingisi-ngisi na siya. Seryoso sabay biglang ngingisi. Nagdadalawang isip na ako kung tama lang ba na sumama ako sa kaniya. Dahil sa lumilipad ang isip ko kanina, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Kung kay Dylan, okay lang. Napatulala ako dahil sa naisip ko. Pangalawang beses ko na ipinagkumpara si Dylan. Una, iyong nakatabi ko si Theo. Pangalawa ay ang ngayon. Huminga na lang ako ng malalim at sinabi kay Brian ang address ko para tumigil na siya sa kakangisi. Masyado na kasing nakakatakot. "Okay." sabi niya at iniliko ang kotse. Tinuro ko sa kaniya ang daan hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment. Nang makababa ako, humarap ako sa kaniya na kakababa pa lang ng kotse. "Maraming salamat." Ngumiti ako ng unti bago tuluyang pumasok ng building. Nang makarating sa apartment ko, agad kong ibinagsak ang sarili ko sa sofa na nandito sa sala. Napatingin ako sa mga glow in the dark na stars na inilagay ko sa kisame dito sa sala. Nag-umpisa akong matakot sa dilim pagkatapos mangyari ang insidenteng nagpabago sa akin. Sa mga sinabi ko kay Brian kanina, parang binibigyan ko na siya agad ng babala na hindi-hinding siya makakapasok sa buhay ko. Napahinga ako ng malalim. Nakapagdesisyon na ako na hahayaan ko ang mga tao na lumapit at kausapin ako. Pero dahan-dahan lang muna. Kailangan ko muna masanay na may taong kumakausap at lumalapit sa akin. Sapat na sa akin si Nanay Asuncion at Dylan. Agad akong napabangon dahil na naman sa naisip ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Bakit ba panay banggit na lang ako kay Dylan? Nagdadabog na tumayo ako mula sa pagkakahiga sa couch at pumasok sa banyo ng kuwarto ko. Nanggigigil na binuksan ko ang gripo at naghilamos. Mabilis kong kinuha ang malinis face towel na nakasabit at pinunasan ang mukha ko. Nakakainis! Galit sayo si Dylan, Krizzia. Galit siya sayo pero ikaw, panay banggit ka sa kaniya! Saway ko sa sarili ko bago isinarado ang pintuan ng banyo at humiga sa kama ko.   Dylan's POV "What the?! Bitawan mo nga ako, Theo!" naiinis kong sabi. "Puwede ba, Dylan? Huminahon ka!" naaasar na sabi ni Kate. Masamang tingin ang binigay ko sa kaniya. "Ayan! Kakabati lang ninyo, mag-aaway na naman kayo! Ikaw naman kasi, Kate! Bakit mo pa siya biniro ng gano'n?! Kita mo naman na overprotective iyang si Dylan pagdating kay Krizzia." sabi ni Theo habang hawak pa rin ang magkabila kong braso. Napabusangot na lang ako. Kani-kanina lang kasi ay bati na kami ni Kate pero ito nga, nauwi sa asaran. Inasar ako ni Kate na masaya daw si Krizzia habang kasama daw si Brian kasi si Brian ay entertainer daw habang ako naman, boring. I can’t believe her. "Gano'n? Ako pa ang may kasalanan ngayon?" mataray na sabi ni Kate at nameywang. Agad akong binitawan ni Theo at mabilis na lumapit at kinabig si Kate. Chance ko na. Papunta na sana ako ng pinto nang biglang magsara iyon. Napanguso na lang ako at humarap kay Kate na alam kong may gawa ng pagsirado ng pintuan. "Dylan, umayos ka. May bukas pa. Puwede mong gawin kung anong gusto mo simula bukas pero ngayon, kumalma ka at maging mabait." seryosong sabi ni Kate. Bagot na lumapit ako sa couch at umupo. I don't know pero hindi ko talaga gusto ang ideya na magkasama si Krizzia at Brian. Hindi maganda ang kutob ko kay Brian.  Matagal ko na kilala si Brian, babaero siya. Bawat araw, iba-iba ang mga babaeng kasama niya. Pero this past few days, napansin ko na wala na siyang kasama na mga babae. At sa tingin ko ay si Krizzia ang dahilan. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inis nang ma-imagine ko na magkasama si Krizzia at Brian. Magkahawak-kamay sila habang naglalakad tapos nakangiti sa isa't-isa.  Damn! Mabilis akong tumayo at pumunta sa pintuan. Wala na akong pakialam kung makasira man ako basta wawasakin ko itong pinto na ito at pupuntahan ko na si Krizzia. Nang suntukin ko ang pintuan, hindi siya mawasak. Napansin ko ang puting force field na nakapaligid sa pintuan. Seryosong humarap ako kay Kate. "Please, Kate. Kailangan kong puntahan si Krizzia." Walang ekspresyon na nakatingin sa akin si Kate maging si Theo. "Tell me, Dylan. Why? What is your reason?" walang ekspresyon niyang sabi. Umiling ako. Damn it! Hindi ko alam!  "Please! Hayaan mo akong makaalis dito!" naiinis kong sabi. "No. May gusto ka kay Krizzia? Nagseselos ka ba?" tanong niya. Napatahimik ako. "Come on, Dylan. Walang masama at walang kabawasan kung umamin ka. Kami lang naman ang makakaalam." sabi ni Kate. Umiling-iling ako at hinarap ang pinto. Sinuntok ko ang pinto ng ilang beses pero hindi pa rin mawasak dahil sa force field na inilagay ni Kate. Nang suntukin ko ulit, bigla na lang ako nakuryente. Bigla akong naparamdam ng pagka-antok. Bago ako mawalan ng malay, narinig ko ang sinabi ni Kate. "Walang kabawasan ang pag-amin, Dylan. Masyado kang denial. Saka mo na lang mare-realize na mahalaga siya kapag may-ari na siya ng iba."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD