Haunted

1120 Words
NAPASANDAL si Krizzia sa pader habang tinatakpan niya ang magkabila niyang tenga. "Masyado kang lovesick, Krizzia. Masyadong kang uhaw sa pag-ibig. Hindi ka ba binibigyan ng pamilya mo ng pagmamahal?" "Ta-tama na." nanginginig niyang sabi. Sa kalagayan niya ngayon, nagmumukha siyang baliw. Nanlalaki ang mata niya habang palipat ang tingin na para bang may nakikita kahit wala naman. Nasa pinakasulok na din siya ng kaniyang silid. Nanginginig ang buo niyang katawan. Nakakarinig siya ng mga salita at alam niya kung kanino 'yon. "Alam mo? Maganda ka nga, pero hindi pagmamahal ang habol ko sayo." "Tama na, please." sabi niya at ipinikit ng mariin ang kaniyang mata. "Alam mo kung anong habol ko sayo?” Tumawa ito nang mala-demonyo. “Gusto mo bang sabihin ko?!" Hindi na niya napigilan at napaiyak habang mas isinisiksik ang sarili sa pinakadulo ng kaniyang silid na para bang bata na takot sa mga multo. "Tumigil ka na. Tama na. Tantanan mo na ako!" sigaw niya. Humalakhak ang lalake. “Dugo. Dugo mo lang ang gusto ko. Akin lang ang dugo mo.” "Please! Tumigil ka na!!!" sigaw niya. Agad siyang napatingin sa pintuan nang marinig niyang may kumakatok dun. "Krizzia? Krizzia?" rinig niyang tawag ni Asuncion sa kaniya. Isiniksik niya ang kaniyang sarili at nanginginig na nakatingin sa pintuan. "Krizzia? Krizzia?" Mas lalo siyang napaiyak nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. "Hindi mo ako matatakasan, Krizzia. Naamoy ko ang dugo mo. Ang pinakamabango mong dugo. Nakakaadik ang amoy ng dugo mo. Paano kaya kung matikman ko ang dugo mo? Krizzia. Nasaan ka na? Gusto mo bang makipaglaro?" "Tama na! Tumigil ka na!" muli niyang sigaw kasabay nang pagkahulog ng mga frame na nakasabit sa pader at nabasag. Napatigil sa paglalakad si Dylan nang may maramdamang kakaiba. Napag-isipan niyang gumala dahil hindi siya makatulog. Tutal ay gumagala naman siya, dadaanan niya ang apartment ni Krizzia para tignan kung anong nangyari dito. Madilim na ang paligid at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kaniya habang naglalakad sa madilim na kalsada na papunta sa apartment ni Krizzia. Agad na napatingin si Dylan sa apartment nang may marinig siyang sumigaw mula dun. "Please! Tumigil ka na!" Kilala niya ang boses na 'yon. Mabilis siyang napatakbo sa puno na tinatambayan niya tuwing binabantayan niya si Krizzia at umakyat do’n. Ang puno na 'yon ay kasing taas ng apartment na tinitirhan ni Krizzia. "Krizzia? Krizzia?" Napatingin si Dylan sa matandang babae na nag-aalaga kay Krizzia nang magkasakit ito. Natataranta ito habang sinusubukang buksan ang pintuan ng kwarto ni Krizzia. "Tama na! Tumigil ka na!" rinig niyang sigaw ni Krizzia. Nakaramdam ng kaba at pag-aalala si Dylan dahil sa sigaw ni Krizzia. Hindi na niya napigilan at lumutang sa ere papunta sa labas ng apartment ni Krizzia. "Krizzia! Buksan mo itong pinto. Ano bang nangyayari sayo?!" nag-aalalang sigaw ng matandang babae. "Ako na po. Tutulungan ko po kayo." sabi ni Dylan. Napatingin naman sa kaniya ang matanda at halatang nagulat ito nang makita siya. Umalis naman sa harap ng pintuan ang matanda at tumabi. Pinagsisipa ni Dylan ang pintuan hanggang sa ito ay matumba. Pareho silang natataranta na lumapit sa pintuan ni Krizzia at binuksan iyon. Nang mabuksan nila ang pintuan, bumungad sa kanila ang madilim at sobrang magulo na kwarto ni Krizzia. Puro basag din ang mga frame at nagkalat ang mga bubog niyon. Napatingin sila sa madilim na parte ng kwarto ni Krizzia. May naririnig silang hikbi mula do’n. Rinig ni Dylan ang mabilis na t***k ng puso ni Krizzia mula do’n. "P-please. Tama na." rinig nilang sabi ni Krizzia bago sila makarinig ng kalabog mula do’n. Binuksan ng matandang babae ang ilaw. Parang nanigas si Dylan nang makita si Krizzia na sobrang putla habang nakahiga sa malamig na sahig. "Diyos ko po." nanghihinang sabi ng matandang babae at lumapit kay Krizzia. Napatingin sa kaniya ang matandang babae. "Tulungan mo akong mailagay si Krizzia sa kama niya." sabi ng matandang babae sa kaniya. Agad na lumapit si Dylan sa katawan ni Krizzia at binuhat iyon ng bridal style papunta sa kama ni Krizzia. Maingat na inihiga ni Dylan si Krizzia sa kama nito at nilagyan ito ng kumot. "Maraming salamat." rinig ni Dylan sabi ng matandang babae sa kaniya. Tumango-tango lang si Dylan at nginitian ang matanda. Siya kaya ang sinasabi ni Esther? Sabi ni Asuncion sa kaniyang isip habang pinapanood ang batang lalake na tumulong sa kaniya na nililinis ang buong kwarto. Nang matapos ito ay inaya niya itong kumain ng agahan. Madaling araw na kasi. "A-ako nga po pala si Dylan. Kaibigan po ako ni Krizzia." pagpapakilala ng batang lalake sa kaniya. "Ako naman si Asuncion. Bestfriend ako ng Lola ni Krizzia." nakangiti niyang sabi. "Puwede po bang magtanong?" nag-aalangan na tanong ni Dylan sa kaniya. Ang cute na binata. Sabi ni Asuncion sa kaniyang isip bago sinagot si Dylan. "Ano iyon?" "Ano po bang nangyayari kay Krizzia?" naguguluhang sabi ni Dylan. Napabuntong-hininga si Asuncion. Tutal ay nakumpirma na niyang ito nga ang tinutukoy ni Esther, sasabihin niya ang totoong nangyari kay Krizzia. "Limang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng 'yon na nagpabago kay Krizzia. Nagkaroon siya ng trauma. Sa tingin ko ay dala niya pa rin iyon hanggang ngayon," panimula niya at nilagay ang plato na may pagkain na sa harap ni Dylan. Umupo si Asuncion sa kaharap nitong upuan at nagsimulang magkuwento. Dating masayahin na dalaga si Krizzia bago nangyari ang insidenteng nakapagbabago sa kaniya. Walang ibang nag-aalaga kay Krizzia kundi ang kaniyang Ina at nakakatandang lalakeng kapatid. Nagsimula ang lahat nang may makilalang lalake si Krizzia. Naging kasintahan niya pero hindi tumagal ay siya sa lalake. Wala silang alam sa nangyari. Umuwi na lang daw si Krizzia na balisa at wala sa sarili. Hanggang sa dumating ang araw na ikinamatay ng natitirang pamilya ni Krizzia.. Ang alam ng lahat ay m******e ang nangyari pero hindi. Sinisi ni Krizzia ang sarili niya. Si Esther ang nag-alaga kay Krizzia. Nagkaroon ng trauma si Krizzia dahil nakita niya ang lahat kung paano pinatay ng mga demonyo ang dalawang mahalagang tao sa buhay niya. Bumuntong-hininga si Asuncion bago bumaling kay Dylan na tahimik lang na nakikinig sa kaniya. "Bampira. Isang bampira ang pumatay kay Kino at Tresha." Nanlalaking mata na napatingin si Dylan sa kaniya. f**k! "Bampira?" ulit ni Dylan. Isang bampira na nagngangalang Tedeo ang na-obsess kay Krizzia. Na-obsess si Tedeo dahil sa dugo ni Krizzia. Hindi talaga mahal ng lalake si Krizzia dahil dugo lang ni Krizzia ang habol nito. Binigay ni Krizzia ang lahat ng tiwala niya kay Tedeo pero sa huli ay sa maling tao siya napunta. Upang mailigtas ni Krizzia ang pamilya niya, kinailangan niyang hayaan na painumin si Tedeo ng dugo niya. Iyon nga lang, demonyo ang bampira, isang halimaw. Wala itong awa. Pinatay ni Tedeo ang dalawang natitirang pamilya ni Krizzia. Buti na lang at dumating ang Lola ni Krizzia. Nakahingi ng saklolo ang matanda ngunit hindi rin sa ordinaryong tao kundi isang bampira. Napatay nito si Tedeo. “Ang pangalan ng bampirang tumulong sa kaniya ay Dallas. Iyan lang ang kwinento sa akin ni Esther." Nagtatakang napatitig si Asuncion kay Dylan na para bang natulala habang nakatingin sa kaniya. "Dallas? A-ano pong apelyido?" kinakabahang tanong ni Dylan. "Valerious."        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD