Don't

1005 Words
4 weeks passed… Dylan's POV I can't stop smiling while staring at her. Nasa school ground siya at nagbabasa habang nakaupo sa sa d**o. Hindi ko alam pero tumitibok ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. There will be always a time like this. Like a look like a stalker. Iisa lang ang nasa isip ko. Friends pa ba talaga ang gusto ko? Napailing ako. The answer is I don't know. I really don't know, yet. "Hey! Dylan. What's up?" sabi ni Brian na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong. Napabuntong-hininga siya kapagkuwan ay napangisi. "Lilipat ako sa section niyo, Man.” He chuckled. “It will be fun to spend the whole semester with you." nakangisi niyang sabi at tinapik-tapik ang balikat ko. Naguguluhang tumingin ako sa kaniya nang mapatigil siya at nakatingin sa direksyon ni... "Krizzia." bulong ko. Hindi ko alam pero parang biglang uminit ang ulo ko. Parang gusto kong manakit para ilabas 'tong nararamdaman ko na hindi ko alam kung ano ang matatawag. Galit o selos? "Man, I think i like her," rinig kong bulong niya habang nagmumukhang tanga na nakangiti. "Who?" seryoso kong tanong. "Her." sabi niya at tinuro si.... Krizzia. Hindi ko na napigilan at nasapak ko na si Brian. Galit na tumingin siya sa akin habang hawak ang panga niya. Mabilis siyang tumayo at hinarap ako. "Ano bang problema mo?!" galit niyang sabi. Pinagtitignan na kami ng mga estudyante na maagang pumasok. "Don't you dare approach her." "What?!" naguguluhan niyang sabi. "Don't you dare touch her." "f**k! Hindi kita maintindihan." inis niyang sabi. "And lastly, don't you dare own her. She's mine." Natigilan siya pagkatapos ay ngumisi.  "Dylan, Dylan, Dylan. Are you jealous?" nakangisi niyang sabi. Para akong binuhusan ng tubig at nagising dahil sa sinabi niya. "W-what?" Mas lalo siyang napangisi at sinuntok ako ng mahina sa dibdib. "Don't worry, Dylan. Hindi man tayo magkapatid pero turing ko sayo ay kapatid, actually lahat naman kayo ay tinuturing kong kapatid. Bros before hos, Man. Hindi kita uunahan," sabi niya at mas lalong lumapit sa akin saka bumulong. "I'm giving you 7 weeks, Dylan. 7 weeks. After 7 weeks and you still don't own her, I'll make a move." sabi niya bago umalis sa harapan ko. Napahilamos ako sa mukha ko at napatingin sa direksyon ni Krizzia. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makitang nakatitig siya sa akin habang nakakunot ng noo. "I'm giving you 7 weeks, Dylan. 7 weeks. After 7 weeks and you still don't own her, I'll make a move." Agad akong napailing-iling habang nakatingin pa rin sa kaniya. "What the hell! Gagawin ko ba o hindi?"  "And lastly, don't you dare own her. She's mine." Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sinabi ko ba talaga 'yon? And Brian. He’s a f*****g bad news to me. Krizzia's POV "Sino kayang her ang sinasabi ni Dylan at Brian? Nakaka-inggit naman." Agad akong napabaling sa dalawang babae na nag-uusap sa likod ko nang marinig ang pangalan ni Dylan. Napatingin silang dalawa sa akin kaya umiwas ako ng tingin. "Well, ngayon lang ito nangyari. Ang intense nilang dalawang kung tumingin, ano? Parang magpapatayan na, e." Agad akong napatingin sa direksyon na tinitignan nilang dalawa. Nakita kong nasa second floor sa mismong tapat ng room namin si Dylan nakatayo habang nakatingin sa lalakeng hindi ko kilala. Si Brian yata ang kaharap ni Dylan na sinasabi ng dalawang babae sa likod ko. Hindi ko makita ang itsura ni Dylan. Masasabi kong nag-aaway silang dalawa dahil masama ang tingin no’ng Brian kay Dylan. Hindi ko mapigilang magtaka nang makita kong lumapit kay Dylan si Brian. Agad akong nakaramdam ng kaba nang makitang nakatingin sa akin si Brian habang may binubulong kay Dylan. Ngumisi sa akin si Brian bago umalis sa harap ni Dylan. Nakita kong napahilamos si Dylan ng mukha niya na para bang problemado siya bago lumingon sa akin. Naramdaman kong tumibok ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. Wala siyang pinapakitang ekspresyon habang nakatingin sa akin. Nakita kong umiling siya habang nakatingin sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin. Agad akong tumayo nang mag-bell. Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang makita ko si Dylan. Hindi ko na lang siya pinansin at nilagpasan siya. "Krizzia." Napatigil ako nang marinig kong tinawag niya ako. Lumipas ang ilang segundo pero wala pa rin siyang sinasabi kaya tumuloy na ako sa paglalakad. That's right, Krizzia. Don't mind him. Don't think of him. You don't need him. Don't let him enter your world. Napailing na lang ako at dumiretso ng room.   Brian's POV Hindi ko mapigilang mapamura habang hawak ang panga ko. f**k, Dylan. "Hello, Brian!" sabi ng isang babae na hindi ko kilala. Nginitian ko na lang. "Good morning, Brian," sabi na naman ng hindi ko kilalang babae. "Morning." nakangiti kong sabi. Hindi ko mapigilang umiling nang malagpasan ko ang mga babae. Mahirap talaga maging pogi. They are so obvious.  Nang makarating sa tambayan, bumungad sa akin si Theo na binabantayan ang triplets. "Okay ka lang, Theo?" nakangisi kong sabi. Seryosong tumingin siya sa akin bago binalik ang atensyon sa triplets. "Kailangan ko na maghanda," sabi ko nang makaupo sa couch malapit sa triplets. "Bakit?" tanong niya at itinabi ang librong hawak niya. "Susunod na si Dylan. Ang gagong 'yon. Kailangan pa akong sapakin. Nadadala naman ako sa usap," natatawa kong sabi at hinawakan ang panga ko. "Huh? Ano bang ginawa mo?" nagtataka niyang sabi. "May nakita kasi akong babae. Bagong salta siguro. Well, she's beautiful so I like her then nagtanong siya kung sino tapos nang itinuro ko yung babae. Sinapak ako sa mukha. Kung anu-ano pa ang sinabi niya. Tsk!" asar kong sabi at hinawakan ang kamay ni Trixie na masarap ang tulog sa cradle niya. "Ano ba ang pinagsasabi niya?" "Don't you dare approach her, don't you dare touch her and lastly, don't you dare own her. She's mine," Sagot ko na ginagaya ang tono ni Dylan. Nakita kong napangisi si Theo bago tumayo at nag-inat. Naglakad siya papuntang lamesa at nagsalin ng fresh milk sa tasa saka ininom 'yon. Hindi ko mapigilang mapangiwi habang pinapanood siyang iniinom ang gatas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on at sanay dahil sa pagbabago sa aming mga bampira. We can now eat and drink human foods and drinks to act like a mortal. "Well, ito lang din ang masasabi ko sayo. Don't dare to piss Dylan. Ngayon lang siya nagkaganyan kaya huwag ka na maging kontrabida."  Napangisi na lang ako. "Hindi naman talaga ako kokontra, e. Baka ako pa nga ang maging matchmaker nila." Napasandal ako sa couch at nag-isip ng mga gagawin ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD