Fallen

1179 Words
Dylan's POV "Noong nakaraan. Magkasama kami ni Dylan. Eksaktong napadaan kami malapit sa library, may narinig kaming kalabog kaya pumasok kami. Nakita namin si Krizzia na walang malay at sa tabi niya, ang librong may nakasulat gamit ang dugo. Sinasabing maghanda tayo. Alam kong si Brellio iyon." Pagpapaliwanag ni Theo kay Brian. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa reaksyon ni Brian. Alam kong nagi-guilty siya. "Kaya ngayon, alam mo na ang dahilan kung bakit kating-kati ang kamay ko na bugbugin ka. Ipapahamak mo pa ang babaeng mahal ko dahil sa pagiging uto-uto mo kay Dad." Ngumiti siya. "Nice one. Vocal ka na talaga ngayon tungkol sa nararamdaman mo. Ehem! Baka naguguluhan ka pa sa nararamdaman mo." Sabi niya na ikinainis ko. "Bakit? Kung magulo ang nararamdaman ko, ano naman gagawin mo?" Seryoso kong tanong. "Well. Itutuloy ko pa din ang plano ng Dad mo." Hindi ko mapigilang tumayo at ambangan siyang susuntukin nang harangan ako ni Theo. "Woah, chill! Itutuloy ko ang plano para matauhan ka na may nararamdaman ka para sa kaniya. Geez! Hindi kasi ako patapusin." Natatarantang sabi ni Brian. "This is the first time I have fall in love, Brian. Huwag mo na sanang pakialaman." Seryoso kong sabi. "Tsk! Grabe ka naman sa akin. Atsaka, I already have someone. I'm just waiting." Sabi niya na ikinagaan ng pakiramdam ko. Binatukan siya ni Theo. "Pandak ka. Hindi ka man lang nagkukuwento." Nakangiting sabi ni Theo. "Ayaw ko nga. She's mine so I am the only one who can see her." Sabi ni Brian. "So possessive." Nakangiting sabi ko. "Nagsalita ang hindi possessive." Nang-aasar na sabi ni Brian. "O, shut up!" Natatawa kong sabi at binato sa kaniya ang ballpen ko. Nakangiting umiling si Theo bago kami tinignan. "Uunahan ko na kayo. Mas lalala ang pagiging possessive niyo kapag asawa niyo na ang babaeng bumubuo ng araw niya. Imagine this. Nakita mo siya na isinandal ng isang lalake sa pader tapos hinawakan ang beywang niya saka hinalikan siya sa pisngi." I imagined what Theo said. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa desk. "Damn! I will kill the bastard who touch or kiss my butterfly." "I will throttle the fucker to death." Rinig kong sabi ni Brian. Pareho kaming napatingin kay Theo na bigla na lang tumawa ng pagkalakas-lakas. "Imagine pa lang 'yan pero parang gusto niyo na pumatay. Nice. But one thing I've learned because of love is be patient at wag magpadalos-dalos. Don't be selfish." Tumahimik na lang ako. Nagpa-flash pa din kasi sa isip ko ang sinabi ni Theo. "Basta. I'm looking forward to meet your girl, Brian. Sana madala mo siya para makilala ng pamilya. And you, rookie, sinasabi ko sayo. Even though, tama ang mga sinabi ko sayo, take it slowly." Sabi sa akin ni Theo. Tumango na lang ako.   Krizzia's POV Napasandal ako sa bench dahil sa kabusugan. "Busolve ba?" Tanong sa akin ni Kate na nakangiti. Nakangiting tumango ako bilang sagot. "Anyway, I want to ask you some questions. Okay lang ba?" Tanong niya habang tinitignan ang cellphone niya at may pinipindot doon. "Oo ba." "Sige. Una. What do you think of Dylan?" Nakangiti niyang sabi. Napipilan ako dahil sa sinabi niya. "Ahm... makulit." "Ano pa?" "Friendly, approachable, nakakairita, mabait, misteryoso." "Okay. Next question, may nararamdaman ka bang something sa dibdib mo everytime na malapit sayo si Dylan?" Kinikilig niyang sabi. Nanigas ako sa kinauupuan ko. "O, wag kang mahiya. Wala akong sasabihin sa kaniya. Promise. Mapagkakatiwalaan mo ako." Nakangiti niyang sabi. Napalunok ako. Dapat ko bang sabihin ang totoo? O magsisinungaling na lang ako? Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "W-wala." Sagot ko na ikinanguso niya. "Why?" "Anong bakit?" Kinakabahan kong sabi. Mahina akong nagdasal na sana ay hindi makahalata si Kate na nagsisinungaling ako kasi ang totoo ay naguguluhan ako kung kaba ba o something ang nararamdaman ko tuwing malapit si Dylan. "O, sige. Ganito na lang. What if, Dylan is someone who needs a help because he can't face a thousand people because of something traumatic that happen to him? What will you do?" Tanong niya. I know the feeling of having a trauma and all that I can say is it's like I'm in hell. But because of him. Because of Dylan, I somehow try to change because he made me realized. Kaya siguro, ganoon din ang gagawin ko. Nakangiting tinignan ko si Kate. "You know? Someone said to me that every people need someone. Someone to understand them." "And?" Sabi niya. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Maybe. I can be the someone that he needs." Impit na tumili si Kate. Natawa na lang ako dahil sa inakto niya. "Kinikilig ka na doon?" Natatawa kong sabi. "Yes! Gosh! Sige. Last question. Kung papipiliin ka. Your life or your love?" Napakunot-noo ako dahil sa tanong niya. Napabuntong-hininga na lang ako. "I want to say something." Sabi ko. "Sige. Ano 'yon?" "I don't know what to answer." Siya naman ngayon ang napakunot-noo dahil sa sinabi ko. "Why?" "If I choose my life, magmumukha akong selfish. The truth is, because of being selfish and love, two of the most important people in my life died." Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. "I'm sorry." Ngumiti ako. "It's okay. Mabait ka naman at matagal na din akong walang kaibigan na mapagsabihan ng hinanakit ko." Tumango lang siya at hinawakan ako sa balikat. Trying to comfort me. "When I was childish at naniniwala sa mga signs about love, hindi ko alam na sobrang selfish ko pala noon. When I fall in love to some stranger, nagmukha akong selfish dahil isang lalake lang, kinalimutan ko na ang mga taong mas mahal ako. Sinuway ko sila at hindi pinakinggan." Naluluha ako dahil naaalala ko na naman ang dati. "Kaya ayon, dahil sa pagiging selfish ko at love, nawalan ako ng mga taong totoong minahal at mamahalin ako. Kaya sagot ko sa tanong mo? I don't know. Kung pagsubok ulit ang pag-uusapan, kakayanin ko pa pero ang pagpili sa sarili ko at pag-ibig, I don't know. I think, I'll choose to die kaysa iba pa ang mamatay dahil ayaw ko na no’n." Naluluha kong sabi. Hinila ako ni Kate at niyakap. Medyo gumaan ang pakiramdam. At alam kong dahil 'yon sa pagkakaroon ng isang kaibigan na handang makinig at intindihin ka. Tama nga siguro ang ginawa kong pagsubok ulit, dahil kagaya nga ng sinabi ni Dylan. Totoo talaga na kailangan ko ng kaibigan para hindi mas lalong bumigat ang pakiramdam ko tuwing naalala ang masakit at hindi makalimutang nakaraan.   Dylan's POV Hindi ko mapigilang mapahawak sa sentido ko habang pinapakinggan ang recorded na sinabi ni Krizzia. Actually, tinawagan kami ni Kate. Narinig na lang namin ang boses ni Krizzia kaya sabi ko ay i-record nila. I don't know na magiging ganito pala kalakas ang impact kay Krizzia dahil sa nangyari sa kaniya at sa pamilya niya. Na mas pipiliin niya pa ang mamatay kaysa piliin ang sariling kagustuhan at pag-ibig. Gusto ko man siyang puntahan. Tanungin na paano na ako kung wala siya. Pinigilan ko. Dahil alam ko. Wala pang ako. Wala pang ako sa buhay niya. Siguro nga ay positibo ang sagot niya sa ikalawang tanong ni Kate pero may possibilities na kaya niya lang gagawin iyon dahil sa pareho namin kailangan ang isa't isa at para bumawi sa mga mabubuting bagay na ginawa ko sa kaniya. Napailing ako. Mahirapan akong hulihin ang paru-paro ngunit kung mahuli ko man, alam kong worth it dahil hindi ko na ito papakawalan at aalagaan ko habang buhay.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD