Brian's POV
Nandito ako ngayon sa Forbidden Garden. Nakangiting pinagmamasdan ang mga butterfly of destiny habang nasa taas ng isang puno. Agad akong napabangon nang makita ko si White. Ang guardian ng Forbidden Garden dito sa mundong ibabaw at sa kaharian. Si White ay isang sprite. Maliit siyang diwata na may mapuputing pakpak. Kaya niyang maging kasing laki ng isang tao kung gugustuhin man niya.
"Anong ginagawa mo dito, Brian?" nakangiti niyang tanong.
Sumandal ako sa puno at inilagay ang dalawa kong kamay sa likod ng aking ulo para maging maayos ang pagkakasandal ko. Pumikit ako at huminga ng malalim bago siya sinagot.
"Wala lang. Gusto ko lang ng tahimik na lugar."
Napadilat ako ng mata ng sinabuyan niya ako ng gold dust. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Pinapakalma ang iyong kalooban mula sa mga hindi magagandang kaisipan." nakangiti niyang sabi bago yumuko at lumipad paalis.
Naiiling na ngumiti ako. Paano niya kaya nalaman iyon?
Napatingin ako sa buong hardin. Napakatahimik dito. Ito lang ang lugar na hindi puwedeng gamitan ng mga kapangyarihan naming mga bampira. Mga diwatang kagaya lang ni White ang maaaring gumamit ng kapangyarihan dito.
Agad akong napatakip ng aking mata nang biglang lumiwanag ang lagusan ng Forbidden Garden galing Blackwell. Dahil sa sobrang liwanag, kailangan ko pang iharang ang kanan kong braso para matakpan ang aking mata. Nang mawala ang liwanag, agad akong tumalon sa puno at payapang nakababa. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makita ko si...
"Krizzia?" bulong kong sabi.
Mabilis akong naghanap nang mapagtataguan para hindi ako makita ni Krizzia. Nagtatakang napaisip ako. Bakit lumiwanag ang lagusan? Paano nakapasok si Krizzia dito?
"Anong lugar 'to?" nagtatakang sabi niya na halatang namamangha dahil sa kaniyang mga nakikita dito sa Forbidden Garden.
"Ang hardin na ito ay tinatawag na Forbidden Garden."
Nanlaki ang aking mga mata. Bakit siya nagpakita kay Krizzia?!
"Ako si White. Ang guardian ng hardin na ito at ng mga butterfly of destiny." nakangiti niyang sabi.
Nakaramdam ako ng kaba nang makitang nanigas si Krizzia dahil sa pagpapakita sa kaniya ni White. Kinusot ni Krizzia ang kaniyang mata at tinignan si White. Napailing-iling siya at kinusot muli ang kaniyang mga mata. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para maitago si White sa aking likod at hinarap si Krizzia.
Nang makita ako ni Krizzia, napatalon siya sa gulat.
"Teka? May nakita ka bang maliit na parang tao dito tapos may pakpak?" sabi niya at luminga-linga para tumingin sa paligid.
Ramdam ko ang pagpupumiglas ni White sa pagkakahawak ko sa kaniya habang tinatago ko siya sa aking likod.
"Ha? Maliit na parang tao tapos may pakpak? Ang wide naman ng imagination mo, Krizzia." kunwaring natatawa kong sabi.
Mabilis na nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sumeryoso ang kaniyang mukha.
"Tsh!" rinig kong galing sa kaniya at tumalikod.
Napahinga ako ng maluwag nang siya ay maglakad pero nang siya ay bumaling ulit sa akin, nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Sa pagkakaalam ko, dito ako galing kanina." turo niya sa direksyon ng pader na lagusan ng Forbidden Garden.
Napalunok ako at natatarantang umisip ng paraan para hindi siya magduda. May naisip akong paraan pero alam kong ikakagalit iyon ni Dylan sa oras na ginawa ko iyon kay Krizzia.
"Well? Nasaan ang daanan dito?" seryoso pero nagtatakang tanong niya.
Napayuko ako at pumikit. Damn! I'm sorry, Dylan.
Nang mag-angat ako ng tingin, ginawa kong mapungay ang mata ko. Nagsimula akong humakbang palapit sa kaniya. Nakita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata nang mapagtanto ang gagawin ko.
"A-anong ginagawa mo? D-diyan ka lang! Huminto ka diyan!" kinakabahan niyang sabi habang humahakbang paatras.
Umatras ako ng unti at bumwelo para sa gagawin ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Nang malapit na ako sa kaniya, agad ko siyang niyakap at habang yakap ko siya, tumakbo ako palabas ng Forbidden Garden.
Nang makalabas kami, agad kong tinanggal ang pagkakayap ko sa kaniya. s**t! Nakita niya kaya na dumaan kami pareho sa lagusan?
Nang mag-angat siya ng tingin, nakita kong nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata. Napamura ako sa aking isip. Alam niya! I'm sorry, Krizzia. Kailangan kong burahin iyon sa memorya mo.
Binura ko ang parteng iyon sa isip niya. Itinira ko ang parteng nakilala niya si White. Though, alam kong magtataka siya. Nakita ko ang pag-itim ng kaniyang buong mata hanggang sa bumalik iyon sa normal.
Agad akong ngumiti nang mapatingin siya sa akin.
"Hi?" nakangiti kong sabi.
"May nakita ka bang maliit na tao na may pakpak?" nagtataka niyang tanong.
Agad akong umisip nang isasagot ko sa kaniya na dapat mai-divert sa iba ang kaniyang atensyon.
"Duwende na anghel?" kunwaring hindi sigurado sa sagot.
Napabusangot siya dahil sa sagot ko. Tumalikod siya at naglakad. Agad ko siyang sinundan at umaktong walang alam.
"Anong ginagawa mo do’n, Krizzia?" tanong ko sa kaniya.
"Saan?" tanong niya.
"Sa Hardin ng Blackwell?" sabi ko.
"Wala naman talaga akong ginagawa do’n. Ang totoo niyan ay napadpad lang ako do’n tapos nakausap ko yung babae na guardian ng hardin na iyon. Si White." nakangiting sagot niya.
"Ha? White?"
"Oo." ang sagot niya.
Umakto akong natatawa. “Mukhang may imaginary friend ka sa hardin, a?" natatawa kong sabi.
Agad niya akong hinampas sa braso. Naasar siguro. "Ouch!"
"Huwag mo nga akong pinagmumukhang baliw!" naiirita niyang sabi.
Itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Okay! Sorry na agad." nakanguso kong sabi.
Kinabukasan...
Dylan's POV
Nang tumunog ang alarm clock ko, naiinis na kinuha ko iyon at hinagis sa pader. Agad na bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Nagtatakang pumasok si Kyle, Nathan at Cody sa kwarto ko.
"Ano iyong nabasag?" tanong ni Kyle.
"Tch! Iyong alarm clock," cold na sabi ni Cody.
"Anong ginagawa mo dito, Kyle?" tanong ko naman kay Kyle.
"Ha? Bakit mo naman naitanong 'yan?" naguguluhan niyang sabi.
"I heard that you have a girl in your own house." emphasizing the word 'own'.
"Tch! Shut up, Dylan. Don't put a malicious thought. By the way, we're worried about you. Two days ka na hindi pumapasok. Theo is asking us many times but we don't have an answer," sabi ni Kyle.
"Yeah, why is that?" tanong naman ni Nathan.
Napasabunot naman ako sa ulo ko bago tumayo at dumiretso ng banyo. Bahala sila diyan.
Naghilamos ako at nagsipilyo. Pagkatapos kong magbanyo, saktong pagkalabas ko ay tumunog ang cellphone ko.
[1 MMS Received]
From Brian
Huh? Picture? Ano naman 'to?
Pagkabukas ko ng message, agad na tumambad sa akin ang isang litrato. Nakayakap ang lalake sa babae. Agad na uminit ang ulo ko.
Damn! I will kill you, Brian.