5 months later after Theo and Kate's Wedding...
Dylan's POV
"Georgina?" tawag ko sa kaniya.
"Yes? May kailangan ka?" sabi niya at ngumisi na medyo kinainis ko pero hindi na lang ako nag-reklamo. Besides, may gusto akong malaman.
Nilabas ko ang isang bagay na tuwing gabi, kapag tinititigan ko ay lagi ko naaalala ang nagmamay-ari.
"O, Anong meron sa clip na yan?" tanong niya habang nakataas ang kilay.
"I want to know kung sino ang may-ari niyan."
"Tch! Akin na nga!" sabi niya at inagaw sa akin ang clip ng babae do’n sa park na paro-paro.
Isa sa abilidad ni Georgina ay kapag nakahawak siya ng mga bagay ay makikita niya kung sino ang nagma-may-ari o kung sino man ang nakahawak.
Napangisi siya at idinilat ang kaniyang mata bago tumingin sa akin.
"Soon, Dylan. Makikilala mo ulit siya at maglalandas kayo ng daan. Papasok siya sa Blackwell. Hintayin mo lang," sabi niya at ipinahawak ulit sa akin ang clip bago tumalon mula dito sa terrace.
"Dylan?"
Napatingin ako kay Kate na nakakunot ang noo sa akin.
"Huh?" Anong mayro’n?
"Kanina pa ako nagsasalita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. Ano bang meron sa clip na 'yan, ha?" tanong niya sa akin at inagaw sa akin ang clip.
"Ang cute naman nito kahit simple lang. Saan mo 'to nakuha?" tanong niya.
"Sa babae sa park." walang-gana kong sagot na ikinangisi niya.
"Ayiiiieeee! May babae na bang natitipuhan ang bestfriend ko? Siya ang nasa isip mo, ano? Anong pangalan niya?" kinikilig niyang sabi at inalog ang balikat ko.
Napahalakhak naman ako. “Kate. Hindi ko nakita at alam ang mukha no’ng babae. Bigla na lang kasi siyang umalis. Naiwan niya 'yan."
"Kailan mo ba siya nakita?" nagtataka niyang tanong at ibinalik sa akin ang clip.
Napatitig ako sa clip na hawak ko. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko tuwing napapatitig ako sa clip na 'to. Hindi ko ma-explain 'yong nararamdaman ko. There was something to the owner of this clip that I couldn’t explain.
"Matagal na din 'yon. Hindi ko na siya nakita pa tuwing pumupunta ako sa park."
"Sayang naman," nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang may alam siya na hindi ko alam.
Napakunot ako ng noo. Ano kayang tumatakbo sa isip nito ni Kate?
"Anong tingin 'yan, Kate?" iritado kong sabi.
"Wala. Sabi pala ni Georgina may bago daw na transferee. Dito daw papasok. Babae daw. May rason daw kung bakit dito pinapasok 'yong transferee." sabi niya habang nakangisi.
Kate is really different from Julia that I have known. She looks simply beautiful but nobody got a hunch even Theo that she’s the long lost Princess of Very clan. Georgina played us well.
"Nasaan ang triplets? Dapat nando’n ka sa kanila ngayon," sabi ko sa kaniya at nangalumbaba.
"Nasa office sila ngayon ni Georgina. Nando’n din naman si Theo, e. Magmo-monitor na lang muna ako dito sa room," sabi niya at sumandal sa upuan niya.
"Magmo-monitor ka dito? Puro naman mga na-orient na ang nandito? Palusot mo, Kate," natatawa kong sabi.
Napabusangot naman siya at umupo ng maayos.
"May transferee nga, diba? And she's a mortal. Sabi sa akin ni Georgina, wala pa daw alam ang transferee tungkol sa school na papasukan nito kahit mga magiging classmate nito kaya magbabantay ako," sabi niya.
Pareho kaming napatingin kay Georgina na nakangising pumasok. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang inborn na talaga kay Georgina ang ngumisi. Buti na lang at walang pang pangyayari na may natakot na estudyante si Georgina dahil sa ugali niya.
"Good morning. May bago kayong kaklase so treat her well."
Napakunot ako ng noo at nakaramdam ng unting pagkaasar dahil sa tingin na binigay sa akin ni Georgina.
"At kapag sinabi kong treat her well, ituring niyo siyang prinsesa. She's a bit shy at mas malala pa ang ugali sa ating mga bampira," sabi niya kasabay ng pagpula ng mata niya.
Walang nagsalita. Tumingin si Georgina sa pintuan.
"Pasok na. Introduce yourself," nakangiting sabi ni Georgina.
Galing talagang um-acting. Akala mo genuine talaga ang ngiting 'yon. Seriously, medyo may inis pa din akong nararamdaman kay Georgina dahil sa pagiging manipulative niya. And I bet, she's getting to Theo's nerve too. Hindi na ako magtataka na isang araw, makikita ko na silang dalawa na nag-aaway.
Napatingin ako sa direksyon ng pinto at hinintay na pumasok ang transferee. Sa pinakalikod ko naman kasi na pinili pumwesto. Tumayo at sumulyap ako ng unti sa pinto. I don't know but I have this feeling that I want to know and see the face of that transferee.
Napatingin ako kay Georgina na kumunot ang noo nang hindi pa din pumasok ang transferee. Lumabas siya ng room. Mga ilang sandali bago siya pumasok pero hindi kasama ang transferee.
"Nahihiya nga siya. Next subject na lang daw siya papasok. Tutal ay bago pa lang siya, pagbigyan na lang natin." sabi niya.
Nakakapagtaka. Kailan pa may pinagbigyan si Georgina na estudyante? Sino kaya ang transferee? Curiosity strikes.
"Hindi siya papasok?" tanong ko na ikinangisi ni Georgina nang bumaling sa akin.
"Yeah, why?" tanong niya habang nakangisi.
"Wa-wala." Umiwas ako ng tingin.
"Okay." rinig kong sabi niya.
Napatingin ako sa bintana kung saan may nakasandal na tao mula sa labas. Siya yata ang transferee. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sirado ang salamin ng bintana. Tanging blurd lang na itsura niya ang nakikita ko.
Ramdam ko ang presensiya niya. I can hear her blood that’s running to her veins, even her heartbeat.
Hindi normal ang heartbeat niya. Para siyang takot, kinakabahan, o gulat. Nakita kong tumakbo siya kaya agad akong napatayo at lumabas.
Nasaan na siya?
"Dylan Valerious." tawag sa akin ni Georgina.
"W-what?"
"You can take your seat." sabi niya habang nakangisi.
Bumalik ako sa seat ko at napasandal. Naramdaman kong tumabi sa akin si Kate.
"Bakit? Anong mayr’on?" tanong niya na ikinataka ko.
"Huh?"
"Bakit ka tumayo at lumabas? Anong meron?" nagtataka niyang sabi.
Napabuntong-hininga na lang ako at umiling-iling. "Wala. I can hear her heart beating rapidly. Maybe, there’s something wrong. Para siyang may kinakatakutan at tumakbo,"
Napatingin ako kay Kate na may kakaibang ngiti sa labi. Aasarin na naman ako nito.
"Ayiiieee! Curious ka sa kaniya, ano? Huwag kang mag-deny. Bakit mo pinakinggan ang t***k ng puso niya? Bakit parang nag-aalala ka? Ikaw, ha?" asar sa akin ni Kate habang sinusundot-sundot ako sa tagiliran.
"Stop that, Kate. Mag-monitor ka na lang. Alis na," pagtataboy ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa akin nang pagkatamis-tamis bago tumayo at lumabas ng room.
Sa loob kasi ng bawat araw, nakakahuli si Kate ng mga estudyante na pasaway. Mapa-mortal o bampira man ay hindi niya pinapalagpas. Dinadala niya sa detention room ang mga nahuhuli niya at io-orient niya ang mga estudyante. Lahat naman ng mga nahuhuli niya ay sumusunod pagkatapos ma-orient dahil sa pagiging makapangyarihan ni Kate. Lahat ng ordinaryong bampira ay takot sa kaniya.
Oo nga at patay na si Jay, Kenneth, at Edwin pero hindi pa rin kami kampante dahil sa pagtakas ni Brellio. Hindi namin alam kung maghihiganti siya o mananahimik na lang.
Pagkatapos nang lahat ng nangyari, may mga balita na may mga taong inaatake ang mga unsound vampires. Hindi pa 'yon kinukumpirma ng mga awtoridad kung isa lang ba 'yong animal attack o talaga mga bampira na kagaya namin ang may gawa.
Bumuntong-hininga na lang ako at napatingin sa bintana kung saan kita kung gaano kalawak ang soccer field ng Blackwell. Isang babae na naka-upong mag-isa sa bench ang nakaagaw ng atensiyon ko. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
She's somewhat familiar. Parang nakita ko na siya dati. Zinoom ko ang vision ko. Halos lumabas ang mata ko dahil sa nakita ko. Umiiyak siya habang nakayuko. Tumutulo ang mga luha niya sa kamay niya.
Sa nakikita ko ngayon, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa nakita ko. Ramdam ko din ang pagkabog ng puso ko.
Bakit ba ako nagkakaganito?