Pagdating sa bahay kaagad na syang nagtuloy sa silid. Pakiramdam nya napagod sya, kailangan na nyang magpahinga. Pagkahiga palang nya kaagad ng nag ring ang cellphone nya at si Sean ang nasa caller ID. Bumuntong hininga muna sya bago sinagot ang tawag nito. "Hey" "How are you?" "Good, you?" Tanong nya at nahiga sa kama. "Great, can't wait for tomorrow " Sagot nito at tila nakikita na nya ang pilyong ngiti nito. "Me too" Tipid na sagot nya at nakitang bumukas ang pinto ng silid nya at pumasok sa loob si Joshua. "Ah.. Sean I'll call tomorrow, matutulog na kasi ako eh'" Paalam nya kay Sean dahil alam nyang pagsasabihan nanaman sya ni Joshua pag pinatagal pa nya ang pakikipag usap kay Sean. And for sure makikinig ito sa buong usapan nila kaya minabuti na nyang putulin na ang pakikipag us