"Aya what's wrong? Ilang araw ka nang tulala at parang wala ka sa sarili ah?" Tanong ni Ella habang kumakain sila cafeteria. "Ah..." Tanging nasabi nya at tinuloy ang pagkain. Hindi na nawala sa isip nya si Joshua, at napapansin nyang iniiwasan sya ni Joshusa. Ilang araw na nya itong hindi nakikita sa bahay, lagi naring hindi ito sumasabay sa pagkain. Pati pagpasok sa school hindi na sila nagkakasabay. Sa campus naman ganoon rin hindi rin nya ito makita. Alam naman nyang kaya sya iniiwasan nito ay para makalimutan ang ano mang nararamdaman nito sa kanya. Pero ganoon pa man hindi mawala sa isip nya ito. Gusto nya itong makita pero anong magagawa nya kung iniwasan sya nito. "Aya!" Sigaw ni Ella na kinagulat pa nya. "What?" Gulat na tanong nya. "Tapos na ang klase, ayaw mo bang lumabas? K