Joshua Masakit ang ulo nya ng magising kinabukasan. Naupo sya sa kama habang hawak-hawak ang nanakit na ulo. Alam nya ang nangyari kagabi, nakainom sya at pumasok sya sa silid ni Aya. "s**t" Mura nya sa sarili at nilamukos ang mukha sa palad. Binalikan sa isip ang mga nangyari kagabi, kung ano ang ginawa nya kay Aya. Nakita nya sa isip ang umiiyak na si Aya. Nagbuga sya ng hangin at mabilis na tumayo, he need a shower to lighten up his brain. Habang nasa shower ang eksena parin kagabi ang nasa isip nya. Alam nyang mali ang ginawa nya kay Aya, kahit sabihin pang nakainom sya, alam nya kung ano ang ginagawa nya. Alam nyang maaring matakot sa kanya si Aya, dahil sa ginawa nya. Pero hindi ba't yun naman ang gusto nya, ang gantihan at pasakitan ito? Bakit nya kailangang makonsensya ngayon. I