"You're. So beautiful Aya!" Bulalas ni Maristel matapos syang lumabas ng silid. Suot na nya ang little black dress na binili nila sa Mall kanina. "Thank you po" nahihiyang pasalamat nya. "Dalaga kana talaga hija" Sabi pa nito at inayos ang buhok nya na kinulutan pa nya sa dulo kanina. "Sigurado akong ma i-inlove sa iyo si Sean" bulong nito. "Tita naman" tanging nasabi nya at sabay na silang bumaba ng hagdan para harapin si Sean. Sa hagdan palang kitang-kita na nya ang paghanga sa mga mata ni Sean habang nakatingala sa kanya.Lihim syang napapangiti. "Gorgeous" Sabi ni Sean nang makababa na sya. "Thank you" Tipid na sagot nya. "Ready?" Sean asked. "Oo ready na sya, sige na umalis na kayo para maaga mo syang maihatid mamaya." Nakangiting sagot ng Tita Maristel nya na hindi maitago a