Kathnisse's POV Nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa kwarto ko. Tapos na akong magmake-up at ayusin ang buhok ko. Nanood lang ako sa youtube kung ano ang pwede kong e style sa buhok. Nakapula akong red long dress na hapit sa katawan ko. Low back ito at may mahabang slit sa hita. Pinadala ito ni Audrey kanina dahil dadalo ako sa anniversary ng kompanya ni Alejandro. Ayaw ko na sanang pumunta dahil hindi naman ako makakarelate doon. At isa pa, wala akong makakasama roon, pero tinawagan ako ni Audrey na kailangan ko nang mag-ayos at pinatayan ako ng tawag kahit hindi pa naman ako umo-oo. Napabuntong-hininga ako. Ano naman ang gagawin ko roon? Alas sais na ng gabi kaya bumaba na ako. Ihahatid ako ni Mang Edgar sa hotel kung saan gaganapin ang selebrasyon ng anibersaryo ng kompanya ni Al