Kathnisse's POV Tatlong araw na mula nang umalis si Aled. Wala akong balita sa kanya dahil hindi naman ito nagrereply sa mga texts ko, kahit nga mag good morning ay hindi magawa. Hindi nito kasama si Audrey at wala rin itong balita kay Aled. Nasa bookstore ako ngayon at naghahanap ng librong pwedeng mabasa para malibang naman ako. Habang namimili ako ay aksidente kong nabitawan ang librong hawak ko. Pupulutin ko na sana ito ng may nauna nang kumuha nito. "Hi! We met again." He smiled at me. Bahagya akong nagulat sa kanya. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ulit nito. "A-ah, hello, Kyle." Bati ko sa kanya. He handed me the book, "natatandaan mo pa pala ako," mahina itong tumawa, "mahilig ka pala magbasa?" Kinuha ko naman ang libro at napatango, "pampalipas oras lang." Ani ko at