Kathnisse's POV MAY ASAWA SIYA. Pinahid ko ang pumatak na luha sa mata ko at malungkot na napangiti. Pinagmasdan ko si Aled, kanina pa niya binabanggit ang pangalan ng asawa niya, natigil lang ito ng mahimbing na talaga itong nakatulog. Tapos ko na siyang punasan at bihisan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama niya at nilapitan ang painting ng asawa ni Aled. She's really beautiful. Walang-wala ako kumpara sa kanya. "Ang swerte mo at ikaw ang asawa niya." Pinunasan ko ulit ang mga luha ko at mahinang napahikbi. Ilang buwan na ako rito ngunit wala akong kaalam-alam na may asawa na pala ang lalaking iniibig ko. Ngunit nasaan ka, Clarice? Bakit wala ka rito sa tabi ni Aled? Bakit ako ang napili niyang magbuntis ng magiging anak niya? Hindi ba sila makabuo ng asawa niya? Bakit?