Kathnisse's POV Nasa isang malapad na hardin ako ngayon na punong-puno ng bulaklak. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa balat ko at nililipad ang buhok ko. "Nasaan ako?" Takang tanong ko. Ang alam ko ay nasa hospital pa ako, doon muna ako magpapagaling at may psycologist na magche-check sa akin baka na trauma ako at sa pagkawala ng baby namin. So far okay naman na ako. Hindi ko na masyadong naiisip ang nangyari sa akin noong nakidnap ako. May mga times lang na malungkot ako dahil tuwing kinakapa ko ang t'yan ko ay wala akong maramdaman na kahit ano at umiiyak ako. Naglakad-lakad ako hanggang sa may makita akong malaking puno. Umupo ako sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang payapang paligid. Napalingon ako ng may narinig akong mahinang tumatawa. "Hi, Mama!" Nakangiting bati ng cute na