Kathnisse's POV 7:30 pa lang nang umaga ay bumabyahe na ako para kung ma traffic man ako ay hindi ako mali-late. Almost 3 weeks na akong nagtatrabaho sa kompanya ni Aled at buong araw ay nakaupo lang ako dahil wala akong ginagawa bukod sa mag-remind sa kanya ng mga schedules niya araw-araw. Saktong 8:20 ay nakaupo na ako sa desk ko. Ni open ko ang laptop at nagcheck ng emails. Sinunod kong binuksan ang ipad at tiningnan ang schedule niya for today, may meeting siya with a client mamayang 10:00 A.M. sa isang 5 star hotel. Pagkatapos kong ma check ang schedule niya ay hinayaan kong nakaopen ang ipad habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. Hanggang bewang ko na pala ito. Napatayo ako nang makita kong naglalakad si Aled. May dala itong isang paper bag. Seryoso lang ang mukha nito habang