Kathnisse's POV
Matapos kong magbihis ay inayos ko na ang mga gamit ko rito sa dressing room namin at naglinis na rin ako ng mga kalat, pagkatapos kong mag linis ay binitbit ko na ang bag ko at lalabas na sana nang pumasok si Michelle.
"Kath pwede ka ba ngayong gabi maging waitress? Bigla kasing hinimatay si Bella." Aniya.
Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga kaya lang mukhang hindi pa pwede, umiiwas na rin ako sa panunukso nila at pati na kay Alejandro.
"Sige, Mich. Okay lang ba si Bella?"
"I hope so, nasa clinic siya ngayon and the nurse advised na magpahinga na muna siya." Ani Michelle na bakas ang pag-aalala kay Bella.
"Magiging maayos din siya, Mich."
Agad namang napangiti si Michelle, "naroon pa ang papabol mo." Tukso niya sa akin na ikinasimangot ko, "nilagyan mo ng concealer?" Aniya habang nakangisi sa akin.
Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko.
"Ang swerte mo ngayong gabi! 'Di ba sabi ko naman sa 'yo? Walang imposible?" Aniya
Tandang-tanda ko pa ang sinabi nito sa akin noong lunes, ngunit malayong mangyari ang bagay na iyon. Kung sa teleserye siguro ay pupwede pa, pero sa akin? Napakaimposible! Hindi naman pang teleserye ang buhay ko.
"Nagkataon lang 'yon, Mi. Atsaka, ganoon naman ang mga lalaki, hindi ba?"
Hindi ko naman nilalahat pero, baka lang naman isa siya sa kumukuha ng babae rito sa club. Bigla ko namang naisip ang paghatid niya sa akin. Iba 'yon eh! 'Yong kanina dancer ako, hindi niya ako kilala. 'Yong paghatid niya sa akin baka gentleman lang talaga siya nang araw na 'yon.
"Hmm..maybe? Anyway, magbihis ka na." Aniya at lumabas na ng dressing room.
Nagbihis ako ng uniporme kong pang waitress at lumabas na ng dressing room, dumeretso kaagad ako sa bar counter.
"Sa table 36 'yan, Kath." Tumango ako sa isa sa mga bartenders ng Club, si Kuya Andrew at ngumiti, agad naman akong umalis para e serve ang inumin sa table 36.
Matapos kong maiserved ang inumin ay nagpatuloy pa ako sa pagseserve sa iba pang customers, ngunit hindi ako makaalis sa table kung nasaan ako nagseserve ngayon. Ayaw pa kase akong paalisin ng mga lasing na dayuhang customers.
"Come on, Hon. Just sit here." Malagkit ang pagkakatitig ng amerikano sa akin at hinawakan pa ang aking kamay.
Binawi ko ang kamay ko, "n-no, sir." Nauutal na sabi ko.
"Don't play hard on us, we can do threesome and we'll pay you big." Ani pa ng isa pang dayuhan.
Pilit nitong hinahawakan ang siko ko ngunit pumiksi ako kaya mahinang napamura ang dayuhan.
"I'm really sorry, Sir."
Marahas na tumayo ang isang dayuhan at mabilis na hinablot ang kamay ko, halos mapalundag ako sa ginawa niya. Natatakot ako sa inaakto niya, alam ko namang hindi ako mapapahamak habang nasa loob ako ng Club dahil marami ang magtatanggol sa akin pero, nakakatakot talaga sila! Malalaki silang tao at ang tatangkad pa! Para silang mga higante!
"S-sir!" Tili ko nang tangkain niya akong halikan, itinulak ko siya ngunit hindi ko kinaya ang lakas niya.
"Stop harassing her."
Napaangat ako ng mukha ko nang marinig ko ang baritonong boses na iyon at laking gulat ko kung sino ang nagmamay-ari no'n, si Alejandro.
"You want her, too? But we want her first."
Mahigpit ang pagkakahawak ng dayuhan sa braso ko kaya ramdam ko ang sakit do'n, nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang iba ay walang pakialam, meron namang nakamasid lang sa amin, ang mga kaibigan ko ay nakatayo at nakamasid. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit walang lumapit na bouncers sa amin para awatin ang mga bastos na dayuhang ito.
Malamig lang itong tumitig sa dayuhan, "I won't force a woman for my needs, let her go," mariin ang pagkakabigkas niya ng bawat salita at nakaigting ang mga panga nito, "you're hurting her!" Pagalit na sigaw nito.
Nang hindi pa ako binitawan ng dayuhan ay nagulat ako sa ginawa niya, mabilis niyang hinila ang kamay ko at agad akong napasubsub sa dibdib niya.
"S-sir." Halos pabulong na wika ko.
Hinapit niya ako sa bewang ko at mahigpit na yumakap ang braso niya doon, "you're safe now." Aniya at hinaplos ang buhok ko.
"S-salamat." Ani ko.
"You fucker!" Sigaw ng dayuhan.
Pinihit ako ni Alejandro sa likuran niya at nanlaki ang mga mata ko dahil susugod ang tatlong dayuhan kay Alejandro, pero agad din naman silang napatigil.
"Don't you dare." Mabalasik na sigaw ng isang lalaki, siya ang kasama ni Alejandro nang huli kaming nagkita.
May kasama na silang isa pang lalaki, ang tahimik lang nito ngunit ang kamay niya ay pinaglalaruan ang isang baril, ang isa namang kasama nila ay nakangisi ngunit ang mga berdeng mga mata nito ay parang papatay kung tumitig, ang iba naman ay nakamasid lang at nakabantay sa kung ano ang susunod na mangyayari.
"Sit your asses on your seats, Dude." Tinapik ng ng kasama ni Alejandro ang balikat ng isang dayuhan at parang maamong tupa itong sumunod.
Napatingin ako sa lalaking pinaglalaruan ang baril niya, nakatitig din pala ito sa akin. Ang mga mata niya ay napakalamig at wala kang anong emosyon na mababasa roon at parang nakikita nito ang kaluluwa ko.
Nagbaba ako ng tingin dahil naiilang ako sa pagkakatitig niya sa akin, hinila ako ni Alejandro sa gilid niya at naglakad papunta sa bar counter, nakasunod naman ang mga kaibigan niya.
"S-salamat p-po."
Tumango lang si Alejandro at hindi na sumagot pa, "salamat din sa inyo, mga Sir." Sumulyap ako sa mga kaibigan niya, tumango lang din sila sa akin.
Nang makarating kami sa bar counter ay tumalikod na si Alejandro at hindi na ito nagsalita pa, sumunod na rin ang mga kaibigan nito. Napatitig lang ako sa likuran ni Alejandro habang naglalakad ito pabalik sa table nila. Tinulungan niya ako....I smiled.
Umalis na ako at lumapit sa mga kasama ko, bakas sa mukha nila ang pag-aalala, ang mga dayuhan naman ay pinalabas kaagad sa club.
"Una na ako, Manong!"
Ngumiti sa akin si Manong Julio, ang guard ng Club, "mag-ingat ka, hija. Gusto mo ihatid na kita?"
"Huwag na po, Manong Julio. Salamat po."
Nagwave na ako sa kanya at naglakad na papuntang paradahan ng mga traysikel. Nang makalayo na ako sa bar ay may napansin akong puting kotse na sumusunod sa akin, mabagal lang ang pag-andar nito. Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko at mabilis na naglakad.
Mabilis na kumakabog ang dibdib ko dahil sa takot, ngayon lang nangyari ito na may sumusunod na kotse sa akin. Napapitlag ako ng marinig ko ang malakas na busina ng kotse kaya napatakbo na ako nang mabilis sa abot ng makakaya ko. Wala akong mahihingan ng tulong dahil wala akong nakikitang tao bukod sa amin o bukas na establisyemento.
"f**k you, w***e!"
Malakas akong napatili ng naramdaman ko na may humablot sa kamay ko kaya muntik na akong matumba ngunit mahigpit niya akong nabuhat, nagpupumiglas ako at nagsusumigaw.
"Bitawan mo ako! Tulong! Tulong!" Malakas na sigaw ko ulit.
Medyo malayo pa ang paradahan ng traysikel at napalayo na rin ako sa club. Hinampas ko nang malakas ang likuran nito habang nagtitili at laking pasasalamat ko nang nabitawan niya ako, agad na sana akong tatakbo papalayo subalit napatigil ako nang makita ko ang dalawang lalaki na nakangisi sa akin.
Nanlamig ako at ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko, sila ang tatlong dayuhan kanina na nangbastos sa akin at sila pala ang nakasakay sa puting kotseng nakasunod sa akin.
"Where do you think you're going?" Matigas na salita nito, namumula ang kanilang mga mata at nanlilisik ang mga ito, nakadrugs ba sila?
Kung kanina ay may Alejandro na tumulong sa akin, ngayon ay wala na, ngunit nananalangin pa rin ako na sana ay may tumulong sa akin.
"Aaah!" Malakas na tili ko nang may marahas na humablot ulit sa kamay ko, "bitawan mo ako!" Sigaw ko ulit, pinagsisipa ko ang isa pang dayuhan at tinapakan ang paa niya.
"f**k you!" Malakas at galit na sigaw nito matapos akong malakas na sinampal.
Sa sobrang lakas ng sampal niya sa akin ay halos mahiwalay ang ulo ko sa katawan ko. Hindi pa siya na kuntento at tinuhod pa ako sa tiyan ko, malakas akong napasigaw at napaiyak.
"T-tama na p-po."
Napaluhod ako at napahawak sa tiyan ko. Ang sakit-sakit! Hinaklit niya ang braso ko para mapatayo ako at mahigpit na hinawakan ang panga ko. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata kong luhaan, natatakot ako.
Lord, please po, tulungan niyo po ako. Maawa po kayo sa akin. Piping dasal ko.
"We need you in our bed! Come on!" Aniya.
Wala na akong lakas para lumaban pa, hinang-hina na ako at sobrang sakit ng tiyan at mukha ko, napapikit na ako dahil nahihilo ako. Marahas niyang hinila ang kamay ko at ako naman ay hindi makapaglakad ng maayos, sapu-sapo ko ang tiyan ko.
"N-no, p-please. S-stop." Mahinang pagmamakaawa ko habang panay ang buhos ng mga luha ko.
Parang demonyo lang silang humalakhak, ramdam ko pa ang paghipo ng isa sa pang-upo ko. Napaiyak na lamang ako. Habang nakapikit ang mga mata ko ay pumasok sa isipan ko ang mukha ni Alejandro, ngunit wala siya ngayon.
"f**k!" Malutong na mura ng isang dayuhan.
Natumba ako sa semento, nanlalabo ang mga mata ko. Naaninag ko lamang na nagkakagulo sila at parang naging apat na sila.
"Putang-ina!" Malutong na mura ng tinig ng lalaki.
Napakurap ako ng mga mata ko, "s-salamat at hindi n-niyo ako p-pinabayaan, L-lord." Naiiyak na tumingala ako at pinunasan ang luha sa pisnge ko.
"All of you will rot in hell! f**k you!" Galit na galit na sigaw nang lalaking tumulong sa akin.
Lumapit sa akin ang lalaki at nagsquat sa harapan ko, mas napaiyak pa ako nang makilala ko ang lalaking nasa harap ko at tumulong sa akin.
"I-ikaw." Mahinang wika ko.
Tumigas ang kanyang panga at pinagmasdan ang mukha ko, "f**k them all!" Mura niya at mahinang hinaplos ang pisnge ko kung saan ako sinampal kanina ng isang dayuhan.
Hindi ko napigilang mapayakap sa kanya at umiyak nang umiyak. Natigilan ito pero hindi rin nagtagal ay hinaplos nito ang buhok ko. I feel safe again.
"Hush, now." Bulong nito.
"S-salamat, S-sir." Ani ko at kumawala sa pagkakayakap sa kanya.
Nagulat ako nang pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang hintuturo, "stop crying." Aniya na nakatiim-bagang.
Hindi sinasadyang natabig niya ang tiyan ko kaya napaigik ako, curious naman siyang napatingin doon.
"What happened on your tummy?" Takang tanong nito.
"T-tinuhod a-ako.."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malakas itong nagmura, nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakakatakot!
Tumalikod ito at kinuha ang telepono sa bulsa nito. Nakamasid lang ako sa kanya, may pinipindot siya roon at inilagay ang telepono sa tenga niya. Napatingin ako sa mga dayuhang nakabulagta sa daan, hindi na sila gumagalaw.
"Bakit ang tagal mong sagutin?" Galit na singhal nito sa kausap, "damn you! Come here at 11th St., near at The Shire.. stop asking! Bring Killian with you! Faster!" Agad niyang ibinaba ang kanyang telepono at lumapit sa akin. Madilim ang mukha nito.
"I'll take you, come with me." Malumanay nitong wika ngunit hindi mawala-wala ang dilim at galit sa mukha nito.
Marahan niya akong binuhat, mahigpit naman akong napahawak sa leeg niya. Napatitig ako sa mukha niya, napakagwapo pa rin nito kahit na galit siya. Tumunog ang isang kotse at binuksan niya ito. Pataas ang pagbukas ng kotse nito. Mayaman pala talaga siya. Marahan niya akong inilapag sa front seat.
"Uhm..u-uuwi nalang a-ako, Sir."
Hindi niya ako pinansin at inabot ang seatbelt, napaurong naman ako nang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ako sa mga mata, at bumaba ito sa mga labi ko.
Mahigpit kong kinuyum ang kamao ko, may narinig akong mahinang tunog na parang nagclick, napayuko ako para tingnan ang sa gilid ko. Na lock niya na pala ang seatbelt, lumayo na ito sa akin at tumayo sa gilid ng kotse niya. Hindi ko na pansin na halos hindi na pala ako humihinga, sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko.
"Diyos ko naman!" Mahinang wika ko.
Nasapo ko ang dalawang pisnge ko, ang init! Nakita niya kayang nagblush ako?
Bigla akong napangiwi nang biglang kumirot ang t'yan ko, ipinikit ko ang mga mata ko at marahang hinaplos ito. Nagulat na lamang ako nang magsara ang pinto ng kotse ni Alejandro, isinara niya pala ito. Mula sa labas ng kotse ay nakatingin siya sa akin.
Maya-maya pa ay may tatlong kotseng dumating pa at halos mapanganga ako sa ganda ng mga 'yon, may kulay pula, itim at puti. Lumabas isa-isa ang lulan ng mga kotse, mga kaibigan niya pala ang dumating, iyong tumulong din sa akin kanina sa Club.
Nakita ko ang lalaking may hawak-hawak ng baril kanina na tumingin sa gawi ko na para bang alam niyang narito ako sa loob ng kotse ni Alejandro. Napatingin din ang dalawa pa sa gawi ko habang nag-uusap sila ni Alejandro.
Nakita kong papunta na rito si Alejandro at pumasok sa drivers seat, nag-iwas kaagad ako nang tingin, pinaadar na niya ang kotse at tahimik lang na nagdrive.
"Uhmm, sa paradahan nalang po ako ng traysikel, kaya ko naman ng umuwi." Narinig kong umingos ito ngunit hindi nagsalita.
Pinaglalaruan ko nalang ang kamay ko habang nakatingin sa kalsada.
"I'm Alejandro Vautier and you are safe with me." Aniya habang seryoso lang itong nagmamaneho.
I'm safe with him...'yon rin ang nararamdaman ko. Ilang beses niya na akong naipagtanggol. Parang narinig ko na ang pangalan niya, hindi ko lang maalala kung saan.
"S-sir Alejandro, pwede bang sa paradahan nalang ako ng traysikel?" Nahihiyang wika ko.
Nakita kong gumalaw ang panga nito at patuloy pa rin sa pagdadrive, hindi siya nagsalita man lang kahit yes or no. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong malayo na kami sa paradahan ng traysikel.
"S-sir?" Nagugulahan na tawag ko sa kanya.
"Stop calling me sir and no, I won't take you home." Inis na wika nito.
Ang suplado naman pala niya! Napalabi ako.
"K-kase naman, Sir.." nilingon niya ako at sinamaan ng tingin, "A-alejandro, kailangan ko na kaseng umuwi, masakit na po kase ang katawan ko at napapagod na, may trabaho pa ako bukas." Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manibela.
"You'll come with me." Pinal na wika nito.
"Sir, naman!" Reklamo ko.
"Shut up!"
Napayuko na lamang ako. Mukhang hindi naman siya masamang tao, tinulungan niya pa nga ako. Wala naman siya sigurong masamang gagawin sa akin. Isa sa mga pangaral ng Nanay ko noong nabubuhay pa siya ay huwag agad magtitiwala sa mga taong hindi ko pa gaanong kakilala. Alam ko iyon, ngunit, iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito, parang mas safe ako kapag siya ang kasama ko.
Dahil ba sa pagligtas niya sa akin ng pangalawang beses?
Hindi ko rin alam.