Reve’s POV “Are you sure you can go now?” tanong ni Levi sa akin. Hindi kaagad ako sumagot sa halip ay sinilip ko na lang muna ang oras. It is already 3 o’clock in the afternoon. Ewan ko kung makakabalik pa ba ako sa aking opisina gayong ilang oras na akong nawala roon. Paniguradong hinahanap na ako ni sir Hernandez. “Levi. Mahigit isang oras na akong nawala sa opisina. Paano kung tatanungin nila ako kung saan ako galing? Paniguradong hinahanap na ako nina sir Hernandez. Ano na lang ang sasabihin ko?” tanong ko sa kaniya na may halong pag—aalala sa aking boses. Ngumiti lang siya. “Nakalimutan mo yatang ang anak ng may—ari nitong kompanya ang kasama mo ngayon? Don’t worry, ako na ang bahala. Huwag ka nang babalik roon at ihahatid na lang kita pauwi ng apartment mo nang kumpleto ang oras