Reve’s POV “Wala ka na bang gagawin? Tara, breaktime naman tayo, besh. Ilang araw na tayong hindi nakapagsabay ng breaktime. Bigla ka na lang kasing nawawala kapag breaktime. Ewan ko kung saan ang punta mo,” wika ni Rhona sa akin. Siguro kaya siya ako nilapitan dito sa table ko iyon ay dahil nakita niya ang monitor kong hindi na nakabukas. Ilang minuto na rin ang nakalipas mula nang patayin ko ito. Wala na naman akong ibang ginagawa ngunit ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi man lang ako mapakali. Ni hindi man lang ako matahimik. Sa halip na maging masaya ako dahil wala na akong tatrabahuin ay ewan ko kung bakit nakararamdam ako ng lungkot. “W—wala na naman,” sagot ko kay Rhona. Halata sa aking boses ang pagkawalang gana nito. “Iyon naman pala, eh! Tara sa canteen!” mabilis niy